XIII

2.2K 103 2
                                    

Riley's POV

Guess what? Tumuloy ako sa inuman.

Nandito kami ngayon sa Bistro Bar. Nandito si ate Nita, Ms. Tin, and Lily. Syempre nandito din si Marcus at Jenna. Hindi sumama si Doc Tristan kasi may conference. Si Ma'am Ren malay ko. Hindi daw ma contact ni ate Nita eh.

Ang set up namin, nasa gitna ako ni Marcus at Jenna then kaharap namin si ate Nita, Ms. Tin, at Lily. Medyo malaki yung space na nakuha ni ate Nita so kasya pa kung may gustong humabol. 

Napansin ko na ang daming variety ng drinks. JD, Smirnoff, Heineken, Pale pilsen, Tiger black strong, at may wine pa. Papakuha ba kami kay Lord tonight para iwas assessment next week? 

"Riley bakit smirnoff lang iniinom mo? Pabebe ka tonight?" malakas na sabi ni Marcus kahit magkatabi lang kami. Bibigwasan ko 'to. Pinaka pabebe na drink nga dito eh yung pale pilsen!

"Hinay nga lang ako kagagaling ko lang sa sakit eh!" sinigaw ko sa tenga niya. 

Napansin ko na nakatingin sa amin si ate Nita. Ngumiti siya sa akin. Ang pungay ng mata niya. 

"Hayaan mo na Marcus." ang sabi ni ate Nita. Riley pinagtanggol ng crush era. 

"OHA RILEY ANONG FEELING NG PINAGTANGGOL NG CRUSH?!" malakas na sigaw ni Jenna. Pakshet.Kinurot ko siya sa tagiliran. Kung pwede lang tubuhan 'to eh. 

Bigla kong tinungga yung isang bote ng smirnoff. Nakatingin sa akin ngayon si Ms. Tin at Lily. Si Ms. Tin medyo shock pero si Lily parang wala lang. Alam na niya siguro. 

"Crush mo ako Riley?" nakangising tanong ni ate Nita. Nahihiya ako shit. May mga crush ako na nalalaman nila na crush ko sila pero hindi ako nahihiya kasi hindi ko naman sila madalas makita. 

Tumango nalang ako tapos nagbukas ako ng isang pilsen. "Crush lang naman ate Nita... no romantic feelings involve hehe" sabi ko sabay inom nung beer. Oh shit, hindi pala pilsen 'to. Yung tiger black. Demonyo 'tong beer na 'to eh!

"Hanggang crush lang naman yang si Riley Ma'am Nita, may commitment and trust issues yan eh." MARCUS KONTING FILTER NAMAN JAN?! Nakita ko pa si Ms. Tin, Jenna at Lily na tumatawa. 

"Oh... your past break up probably hurts you a lot?" biglang seryosong tannong ni ate Nita. Nagulat kami ni Marcus at Jenna. Halata ba? 

"Ganun na nga ate Nita. Pero tama na tayo kay Riley nakakarindi na life story niyan eh." sabi ni Jenna. Natawa si Lily at Ms. Tin pero walang reaksyon si ate Nita at uminom lang ng wine. 

Buti nalang nag change topic si Jenna kasi ako yung nagiging main event ng inuman eh. 

Nung hindi na ako yung main topic, kung anu-ano nalang yung napagusapan like educational background ni ate Nita at Ms. Tin and they also share some of the cases that they handled.

Ang galing ni Marcus at Jenna kasi nalipat nila yung spotlight kay ate Nita at Ms. Tin. 

Magkatabi na pala kami ni ate Nita ngayon. Lumipat siya nung umihi si Marcus. And everytime I take a sip on my beer she keeps on reminding me to take it easy kasi kagagaling ko lang sa sakit. Kinikilig ako kapag bumubulong siya sa tenga ko kapag may sasabihin siya. Sorry ang landi ko.  

"If I may ask ate Nita and Ms. Ti-" sabi ni Jenna pero pinutol siya ni Ms. Tin "Guys, call me ate nalang kapag outside work." ang sabi ni Ms. Tin. Tumango kaming apat. Napansin ko na wala ng dumating pa na volunteer sa clinic or other staff. Kami lang talaga. Tinuloy na ni Jenna yung tanong niya.

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon