XLV

2.4K 103 21
                                    

Nakangiti pero nagtatakang naglalakad papunta si Halsey kay Riley na nakaupo sa lounge kasama si Lai. Palabas na sana siya ng building pero may nakita siyang pamilyar na muka, at tama nga yung nakita niya.

"Ate Riley!" masiglang bati at kaway niya. 

Ngumiti at kumaway din si Riley.

"Hi, Ate Halsey!" bati ni Lai.

"Hi baby Lai!" umupo siya at niyakap si Lai, "Ate Riley bakit po kayo nandito? Sino p– oh si Ma'am Hana?" tanong niya.

"Ah oo eh, kanina ko pa siyang tinatawagan," pinakita ni Riley yung hawak niyang paper bag na may laman na pagkain, "Kaso hindi siya nasagot."

"Hay na'ko ate Lunes pa lang pero yung galit at inis ni Ma'am Hana hanggang Biyernes na, ang dami kasing problema ng department bugbog siya sa meeting," kwento ni Halsey. Nilalaro laro niya yung kamay ni Lai.

"Ahh gano'n ba." mahinang sagot ni Riley, "Hal, I'll wait here, can you please tell her after the meeting?" paki usap ni Riley.

"Tapos na yung meeting Ate! Actually palabas ako para bumili ng lunch namin ni Ma'am Hana."

"Talaga? Eto nalang, marami din 'to!" inangat ulit ni Riley yung dala niya.

"T-Talaga ate? Okay lang?"

"Oo naman! Eto oh," inabot ni Riley yung pagkain.

"Thank you Ate," tinignan niya yung laman ng paperbag at ang dami ngang pagkain. "Pero ate.. uhh..." kamot ulo na sabi ni Halsey, "Bakit mo po dinalhan ng pagkain si Ma'am Hana?" nagtatakang tanong niya.

"Um..." napakamot ulo din si Riley. Hindi niya alam yung sasabihin kasi mukang hindi alam ni Halsey yung tungkol sa kanila ni Ren, ang alam lang niya ay house mates sila. 

"Ate?!" sigaw ni Halsey habang nakaturo kay Riley, "I-Ikaw si babe?" pabulong na sabi niya.

"Huh?" 

"May kausap si Ma'am Hana nung nakaraan tinawag niyang babe." 

"Ahh, um... yes. Ako yun." nahihiyang sabi ni Riley. 

Tinignan niya si Halsey na malapad na nakangiti sa kanya. 

Lumabas ng office ni Ren si Sky ng nakasimangot na din, nahawa sa negative aura ni Ren kahit wala naman siya sa meeting kanina. 

Habang naglalakad sa hallway, nakita niya si Halsey at-

"Riley?!" pasigaw na tanong niya, tumingin siya saglit sa office ni Ren baka kasi narinig yung sigaw niya. 

She already knew about the wedding. 

"H-Hello." nahihiyang bati ni Riley. Medyo nakakaintimidate yung aura ni Sky para kay Riley. Parang noong hindi pa niya masyado kilala si Ren, gano'n yung aura. 

"Miss Sky! Badtrip pa rin po si Ma'am Hana?" tanong ni Halsey. Bitbit niya yung pagkain at hawak niya yung kamay ni Riley. Si Lai naman nanunuod lang sa kanila na nakakapit sa damit ni Riley. 

"Yes," tumingin si Sky sa hawak ni Halsey at sa kamay niyang nakahawak kay Riley, "Don't tell me papasok ka sa office ni Hana na hawak yan?" tanong niya. 

"Yes Miss, bakit po?" nakangiting sagot niya. 

"I mean, papasok ka na hawak yung kamay ni Riley? Are you sure?" pambabanta ni Sky. She knows her cousin would get gloomier when she saw her fiance holding someone's hands. 

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon