XVI

2.2K 97 19
                                    

Riley's POV

Mula sasakyan hanggang makarating kami sa pub, paulit ulit si Marcus sa pagtatanong kung paano daw ako mag so sorry kay ate Ren today.

Good luck.

Baka nga pag ihi hindi ko magawa today kasi sa vip room ako naka assign at maraming tao sa loob.

Sabi pa ng manager ko, if alukin kami ng customer pwede daw kami tumanggap ng shot this time, which is okay lang naman sa akin.

"Riley, you'll take a shot if someone offers you?" Bulong ni Steve, yung kasama ko dito.

"Yes, why not?" I mean, minsan lang pumayag si manager sa ganito eh.

"Ok sige, ako din." nginitian ko siya. Buti naman kesa ako lang mag walwal dito if ever.

Nakatayo lang kami ni Steve. Malaki yung room at buti may bar para hindi kami mukang tanga na naka tayo sa gilid. Kapag tapos na kami mag serve napasok kami sa bar counter.

-

9 PM

After one hour, mas nadagdagan pa yung tao dito sa room kaya nag paakyat pa ng waiter yung manager ko at si Marcus pa talaga.

Kanya kanya pa yung mga tao dito. Yung iba nag bi beer pong, body shot, landian, tapos yung iba usap lang talaga. Continuous serving lang kami ng food and drinks sa table.

Nag palagay nalang din ng snack bar yung manager ko para hindi kami masyado mapagod pabalik balik kung snack lang naman hihingin.

Nakailang shot na rin ako pero hindi pa ako lasing kasi hindi naman ako mabilis tamaan.

"Hoy Rayleh, pwede ka naman umupo if you want." Bulong ni Marcus. Sige na nga uupo muna ako.

Umupo ako dito sa ilalim ng bar counter so hindi ko kita yung mga customer, yung binti lang ni Christine, siya yung bartender. Kinulbit ko yun then she looked down and gave me a "what?" look.

"Inform mo ako kapag mag seserve ng drinks or may i a usher na customer." she smiled and nodded at me.

After ilang minutes narinig ko na bumulong si Christine, "Holy shit..." I looked up and pinch her legs "Bakit?" I asked. Nakanganga siya parang tanga.

"There's a lot of pretty girls here tonight but damn, ang ganda niya." Nakatulala talaga siya. So tumayo ako para tignan kung sino yun.

What the fuck? 

The word "ganda" isn't enough to describe her. She looks so gorgeous! I can't believe I'm checking out the person that I've been avoiding for a week.

Si Ate Ren. Nandito siya.

Naiintindihan ko kung bakit nakanganga si Christine kasi kung ako mapapaluhod pa ako eh. Pinagsasabi mo Riley?!

She's wearing a backless satin black dress while her black blazer is on her arm. Psh. What if isuot mo yang blazer mo ate Ren malamig dito eh.

"Ako na mag serve sa table nila guys jan lang kayo." Sabi ni Christine tapos inayos pa niya yung buhok niya. Lalabas na sana siya ng bar counter pero pinigilan siya ni Marcus.

"No Tine, dito ka lang. Hindi ka makaka score jan sa dyosa na yan. Nahalikan na ni Riley yan. So back off" Tangina talaga Marcus.

Nagulat si Steve, Christine at yung isa pa naming kasama.

Humarap sa akin si Marcus at alam ko na yung gusto niyang mangyayari "Go Riley." He said and gave me the drinks. There's no turning back. Ayoko na rin iwasan si ate Ren.

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon