XLVI

2.7K 98 51
                                    

Nakasimangot at iritableng kumakain si Riley. Hindi pa rin niya alam kung saan sila pupunta ni Ren.

Ang alam lang niya nasa probinsya sila ngayon, kumakain sa isang parang bahay na ginawang restaurant. It has an antique and provincial vibe.

"Hindi mo man lang ako tatanungin bakit ako nakasimangot?" reklamong tanong niya kay Ren. Umiimik na siya pero maikli lang.

"Hindi." sagot ni Ren. Nakita niya na ang amos ng muka ni Riley kaya pinunasan niya yung kalat sa bibig niya.

"Okay, nakasimangot ako kasi nag seselos ako. Nakangiti ka pa talaga habang kausap siya ah? Alam ko galit ka sa'kin pero 'wag yung ganito, makakasabunot talaga ako Ren." dirediretsong sabi ni Riley habang nakatingin kay Ren na nakapaling yung ulo sa kanan habang umiinom.

Tinatago ni Ren yung ngiti niya.

"Okay," mahinang sagot niya. As if she doesn't care but deep inside her butterflies are rumbling inside her stomach. Pero hindi niya pinapahalata.

Tumiklop na siya kanina, mamaya na ulit.

Yung inis ni Riley baka masagad, gusto niya umalis at tumigil sa pagkain pero hindi niya magawa kasi nasasarapan siya sa mga kinakain niya.

Napapalakas din talaga yung kain niya nitong mga nakaraang linggo.

"Hindi ko alam uunahin ko Ren, suyuin ka o mag selos. Kaya ko naman sabay pero..." bayolenteng kinamot ni Riley yung ulo niya, "Hay ewan!" tuloy niya tapos sabay subo ng pagkain.

Kinagat ni Ren yung labi niya at tumungo para itago yung ngiti.

"Alam ko childhood friend mo siya pero you don't have to smile at her like that? Yung gummy at eye smile mo sa'kin lang yan eh."

Huminga ng malalim si Ren, muka siyang galit pero ang totoo yung kilig niya sumasagad na sa buto.

"She has a wife. She's married."

Nakangangang tumingin si Riley kay Ren at biglang lumipad kung saan yung selos niya.

"Oh she's gay?!" impit na sabi ni Riley. "Thank God she's married!" nakangiting sabi ni Riley.

Wala na. Hindi na siya nag seselos.

"Huh? Bakit?" tanong ni Ren.

Ngumiti ng nakakaloko si Riley, "Yiee curious yung baby ko." yumuko at napakuyom ng kamay si Ren. Hindi sa galit, kundi dahil sa kilig.

Tuwang tuwa na agad yung kalamnan niya dun sa sinabi ni Riley na "baby ko."

"B-Bilisan mo kumain, we need to get there before 5 PM." nauutal na utos ni Ren. Hindi siya makatingin kay Riley kasi ramdam niya na namumula siya.

Habang naglalakad sila papunta kung saan naka park yung kotse ang daming tinatanong ni Riley. Hanggang makapasok ng kotse, non stop.

"Babe hindi mo ako patatahimikin?" tanong ni Riley habang kinakabit yung seatbelt niya. Ren noticed that her hand is perfectly fine at inutakan lang siya kanina ni Riley.

"Alam mo naman pala na kailangan mo manahimik, do it." utos ni Ren.

"Gusto ko patahimikin mo ako katulad nung kanina."

Napapikit si Ren at inuntog untog niya yung ulo niya sa manibela, "No Ren, 'wag ka bibigay." she said in her mind.

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon