XLI

2.4K 113 55
                                    

"Nawala ng two days tapos nung pumasok tutulala lang?! You're fired!"

"Girl 'di pwede, isa siya sa may ari."

Wala lang kay Riley yung mga kalokohan ni Marcus at Jenna. Nakatulala pa rin siya imbes na mag hugas sa kusina. Konti pa lang yung customer kaya nakakapag kwentuhan sila.

"Ano ba nangyari jan?" bulong ni Layla kay Jenna, "Same question anteh," sagot niya.

Dali daling pumunta si Jenna at Marcus sa bistro nung tumawag si Layla na pumasok at nag paramdam na daw si Riley after two days. Kaso tulala at minsan ngumingiti daw mag isa.

Nabaliw na.

Tumutulong si Marcus at Jenna sa bistro kasi understaffed tapos si Riley pumasok nga pero nakatulala lang.

"Dahil ba kay Ren?"

Biglang lumingon si Riley kay Layla, eh kanina pa sila salita ng salita hindi man lang sila nililingon o kinikibo.

"So Ren is the keyword." nakapamewang na sabi ni Jenna habang nakatingin kay Riley na bumalik na yung ulirat.

"Miss ko na siya guys. Miss na miss. Sobra sobra" tulalang sabi ni Riley.

Biglang lumayo yung tatlo kay Riley.

"Ang cringe niya eww." bulong ni Marcus.

"Kailangan natin siyang tanggapin sis, kaibigan parin natin yan." sagot ni Jenna.

"Ako talaga walang choice kung 'di tanggapin yan pamangkin ko eh." dagdag ni Layla.

Lumingon sila kay Riley na tulala na ulit.

"Malapit lang yung building ng office ni Ren dito diba?" tanong ni Layla.

Tumayo bigla si Riley, "Tara." masiglang sabi niya habang inaalis yung apron.

"Ay kayo na ba ulit? May karapatan ka na para bumisita?" dirediretsong banat ni Marcus.

"Hahaha, makinig ka kay Marcus Ry for reality check!" natatawang sabi ni Jenna.

Nakita nila na nasa pintuan na si Riley palabas ng bistro kaya napatakbo sila para pigilan siya.

"Umayos ka nga Riley, umuwi ka nalang kung tutulala ka lang dito. Hatid ka namin kay Lily?" sabi sa kanya ni Jenna habang nakaharang sa pinto ng shop.

Umiling lang si Riley at bumalik sa pagkakaupo.

"Ano ba nangyari Riley bakit ganyan ka? At bakit bigla ka nawala ng dalawang araw? Kahit si Lily hindi alam kung nasaan ka eh. Na praning nanaman kami! Saan ka ba galing?" diretsong sabi ni Marcus.

"Basta." matamlay na sagot ni Riley.

"Wow, pang Miss Universe ang sagot." sarcastic na sabi ni Jenna, "Umuwi ka nalang Ry." dagdag niya.

"I'm okay." sagot ni Riley tapos ay tumayo siya at pumunta sa kitchen para mag hugas.

"Gagi baka nagka alaman na?!" pabulong na hirit ni Jenna.

"OMG over na?!" kinakabahan na sabi ni Marcus, "Tanong mo kaya ate mo? Anong balita kay ate Ren?" dagdag niya.

"Kakausapin ko nalang mamaya si Riley, sige na mag out na kayo." nagaalalang sabi ni Layla.

"Anteh matagal na akong out sa friends pero sa family hindi pa." hirit ni Marcus habang nag pupunas ng lamesa.

Tumawa ng malakas si Jenna kaya napatingin yung customers sa kanya.

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon