XX

2.4K 105 19
                                    

Riley's POV

"Rayleh three days na wala parin nangyayaree~" asar ni Marcus.

"Baka busy lang." matamlay na sabi ni Jenna. Bakit matamlay 'to?

"Kahit ba text wala?" tanong ni Lily habang binibilang yung boba sa milk tea niya.

Nandito kami ngayon sa cafe malapit sa clinic. Nag lunch out kami.

Alam nilang tatlo na nililigawan ako ni ate Ren pero siyempre hindi ko kinuwento yung nangyari sa amin, I don't tolerate kiss and tell in this generation.

"She informed me naman na magiging busy siya." I said. Ayoko nalang gawin big deal, hindi pa naman kami eh.

Pero nag pa sundot.

"Uso pa ba ligawan ngayon? Na try mo na ba maligawan Jenna?" tanong ni Marcus. Ang weird ni Jenna talaga these past few days. Actually, since nung sinabi ko na nililigawan ako ni ate Ren. Napansin din 'to ni Marcus at Lily.

"For the question number one, hindi na uso ata? Pero dapat may ligawan stage talaga. Second, madalas lang akong landiin pero walang ligaw."

"Dasurv." singit ni Lily. Inirapan lang siya ni Jenna.

Nahigit na ni Jenna at Marcus sumama sa amin si Lily kaya medyo nakakasabay na siya sa amin, at alam na rin niya yung mga kwentong kalat naming tatlo. Tahimik talaga siya pero medyo weird, but in a good way naman.

"Tingin mo alam ni ate Nita at Doc Tristan?" tanong ni Marcus. Onga no? Magkakasama silang tatlo ngayon sa convention. Three days yun kaya walang paramdam si ate Ren.

"Oo alam nila." napalingon kaming lahat kay Jenna.

"Paano mo nasabi?" sabay sabay na tanong namin ni Marcus at Lily.

"Alam ng ate ko eh so malamang alam din nila." Hindi natingin sa akin si Jenna.

"Ano reaction ng ate mo?" tanong ni Marcus.

"Sa true lang, nagulat siya." Sabi ni Jenna sabay tingin sa akin tapos umiwas agad. This is weird. I feel something towards Jenna that I never felt before. It seems that she wants to say something but she's hesitating.

"Patingin nung gulat." Biglang sabi ni Lily. Natawa kami ni Marcus kasi ang seryoso na nga kasi ni Jenna.

"Minsan nag sisisi ako na sinasama ka na namin Lily, lakas mo mang asar pala." bwisit na sagot ni Jenna.

"Pero kidding aside, bakit naman siya magugulat?" maayos na tanong ni Lily.

Hindi sumagot agad si Jenna, nilaro laro niya lang yung straw nung iced coffee niya. Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin. She is being weird!

"Jenna 'wag ka pa thrill at pa mysterious jan sasabunutan kita." asar na sabi ni Marcus.

Tumingin siya sa akin tapos tumungo.

"Kasi gusto kita Riley... alam ni ate na gusto kita kaya nagulat siya nung sinabi ko na nililigawan ka ni ate Ren."

What the hell?

Nagulat ako pero mas dramatic yung pagkagulat ni Lily at Marcus kasi nakanganga yung bibig nila tapos nakatulala kay Jenna.

"Tanginakajenna." ang sabi ni Marcus sabay hawak sa kamay ni Jenna.

Kiss Me When You're Sober (FREENBECKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon