Chapter 4

3.3K 92 18
                                    

Xyianne



Napabalikwas ako ng pwesto pagkarinig ko ng alarm sa bedside table ko.

I groaned and scratched my hair in frustration. May pasok nga pala ako.


Asar na tumayo ako sa higaan at nagstretching muna ng katawan kahit na magulo pa ang buhok ko at nakapikit pa ng marahan ang mata ko.


I yawned after feeling refreshed dahil sa stretching na ginawa ko.

I let out a sighed and went straight to my bathroom para makaligo na.


After kong maligo ay may narinig akong kumakatok sa labas ng kwarto ko.

Sino naman kaya ang may lakas ng loob kumatok ngayon? Ang aga aga pa!

Lumabas ako ng CR ng nakatapis ng towel. I walked through the door while the knock continues.

"Who the fuck are you?" Medyo inis kong turan sa kabilang pwesto.

I heard a low chuckle behind, and there, I know who was it already.

"Fuck you, Bridge! Manigas ka dyan!" Sigaw ko rito at umalis na sa pinto para maghanap ng susuotin sa walk in closet ko.

"Hoy! Tangina na naman Beshy. Papasok!" Protesta nito habang halos gibain na ang pintuan ng kwarto ko.

Sa sobrang ingay na nililikha nito ay hindi na ako nakatiis at pumunta na ako sa pinto at agad kong binuksan iyon dahilan para masubsob ito sa sahig ng kwarto ko. Tinignan ko lang ito habang nagpipigil ng tawa dahil sa itsura niya.

"Aray!" Pag iinda niya habang hawak hawak ang tuhod na tumama sa sahig. Tanga kasi.


Bigla naman umangat ang tingin nito sa akin para sana magreklamo.

"Oh my ghad! Magdamit ka nga muna. Iw!" Dali dali itong tumaya at sumalampak sa mini couch sa loob ng kwarto ko sabay taas ng paa sa table.


"Bilisan mo! Malelate na tayo!" Pagsesermon nito sa akin habang nakatingin ng masama sa akin.


Habang ako'y hanggang ngayong nakatayo lang sa pintuan ko habang nakatingin din sa kanya ng masama. 


Kapal talaga ng mukha. Kala mo kwarto niya!


Pumunta ako sa pwesto niya. "Yung paa mo! Tignan mo yang sapatos mo may tae pa ata. Kadiri! Alis alis!"



Tinulak ko ang binti nito para maibaba ang mga paa nito sa coffee table ko. Parang timang kung kumilos. Wala man lang ka class class sa katawan.


"Hoy! Walang tae yan. Putik yan galing sa garden niyo. Ang tagal mo kasi gumising kaya tumambay muna ako doon."



"Kahit ano pa yan. Nagdudumi ka lang sa kwarto ko. Idagdag mo pa sarili mo."
Turan ko dito at nakapamewang na nagrereklamo sa kanya.



"Ang panget ng ugali mo, Xyianne Yunis! Magbihis ka na nga doon, naaasiwa ako sa itsura mo. Bilis! May quiz tayo kay Ma'am Adler magrereview pa tayo oh! Napakabagal mo lagi!" Tinulak tulak ako nito palayo sa kanya. Oo nga pala at may quiz kami roon. Buti na lang nakapagbasa ako kagabi bago matulog.

"Oo na, bitawan mo nga ko! Mahuhubad na yung towel kakatulak mo." Reklamo ko dito habang kapit na kapit ang kamay ko sa towel. Bakit kasi need pa ko itulak!?


"Iw, go away!" Pagiinarte nito.

Umalis na ako sa pwesto ko para bumalik sa closet at magbihis ng damit. Hindi ako naguuniform. Kung suotin ko man ay sobrang dalang lang dahil ang iksi ng pencil cut na palda. Naiinis akong suotin dahil hindi ako komportable at maraming nagbeverbally harassment sa akin. Buti na lang at hindi naman sila ganoon kastrict sa uniform lalo na 4th year na kami.


This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now