Chapter 21

2.1K 80 22
                                    

Xyianne


Matapos ang ilang oras na paglalaro kasama ng mga bata sa foundation ay sandaling pinagpahinga muna kaming lahat.

Kailangan din muna kasi ng mga batang magasikaso at maghanda para sa pag aaral nila. Kami at ang mga professors ang nakatoka para turuan sila.

Ang ibang estudyante ay nagsibalikan na rin sa kanya kanyang silid, nagpaiwan muna ako kay Bridgette dahil balak ko ng kausapin si Nervana patungkol kay Ma'am Adler.



"Nervana," tawag ko sa kanya nang magumpisa siyang maglakad patungo sa loob.

Lumingon ito sa akin, "Oh yes, Babe?"

Gusto ko man magreklamo sa tawag niya sakin kaso hindi ko naman siya mapipigilan. Matigas masyado ang ulo niya kaya hinahayaan ko na lang.

"Can we talk? I just want to ask some questions." Seryoso kong usal sa kanya.

Bahagya siyang nag isip na tila ba inaalisa ang nasa utak ko. Ngumisi ito sa akin at inilingkis ang isang braso para akbayan ako. "Sure sure, Babe. What is it?"

I shrugged my shoulders because of what she did but she just held me tightly. "Nervana," may bantang tono ang sabi ko sa kanya.

"I will answer your questions if you let me be this close to you," She smirked as I rolled my eyes in annoyance. Sabi ko nga, wala nang libre ngayon. Hays!

"Fine, pero huwag ka masyadong maharot." Sukong saad ko sa kanya.

She chuckled at what she heard, it's like a joke to her but I'm not joking!

"You're a huggable person nga, I feel it." Maarte niyang usal at hinatak na ako papunta sa hindi mataong lugar dito sa malawak na yard ng CCF.

Habang naglalakad kami ay biglang may bumunggo sa gitna namin ni Nervana dahilan para mapaghiwalay kami sa isa't isa.

Nervana and I groans because of the abrupt collision between us kaya napatingin kaming dalawa sa bumangga.

We heard a child wailing on the ground, she's holding a book with her while her body was laying on the ground. A pain is visible in her face.

"Trixie? Ayos ka lang?" Alalang tanong ko dito dahil siya pala ang bumangga samin.

Nervana and I helped her to stand but Trixie just moved away from Nervana and hold on to me instead.

Tinignan ako ni Trixie na parang nagtatampo at may lungkot ang mukha. Habang may narinig kaming kaluskos na paparating sa direksyon namin.

"Baby! Hey, bakit mo kasi kinuha yung book? Tawag ka na nila sister." Medyo hingal na sabi ni Ma'am Adler sa bata, halata ang pag aalala nito kay Trixie na hanggang ngayon ay tahimik pa ring nakatingin sa akin.

Nakakakaba naman itong batang ito parang ang laki ng kasalanan ko bigla.

"Trix? May problema ba?" Alalang tanong ko ulit. Tumayo na rin ako ng maayos at pinalapit ko na siya sa propesora. Agad naman na kumapit sa akin si Nervana kaya nakaramdam na naman ako ng pagkailang.

Kita ko kung paano kami pasadahan ng tingin ni Ma'am Adler at ni Trixie na ngayon ay parehas na ng reaksyon.

Tumikhim si Nervana at yumuko para pantayan si Trixie, "Next time kid, watch your way. Okay? Be careful." She smiled at the child and kissed her forehead na agad namang pinunasan ni Trixie.

Mukhang wala sa mood ang bata ngayon. Natawa na lang tuloy si Nervana at umayos na muli ng tayo at umakbay muli sakin.

"Trixie, halika nga ditong bata ka! Nakakahiya na ang kakulitan mo. Naistorbo mo pa ang professor at ang mga ate mo." Biglang lumitaw ang isang sister sa likod ni Ma'am Adler kaya napatingin kami doon. Kinuha nito ang bata sa kamay ni Ma'am Adler at nagpaumanhin sa amin.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now