Chapter 47

3K 62 32
                                    

Xyianne




"Annie!" Pinagmasdan ko ang babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko. Patungo kasi ako sa dalampasigan ngayon para magpahangin at mag isip isip sa nangyari kanina.



I didn't expect that my jealousy was purely nonsensical. Pinsan pala niya at therapist pa. Hay nako!



Napasabunot ako sa sarili ko nang sumakay ako ng elevator pababa kanina. I'm so dumb! Ang dami ko pang nasabing hindi maganda. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Pero sa kabilang banda hindi ko naman masisi ang sarili kong makaramdam ng ganoong pakiramdam dahil wala akong alam. Atsaka, mukha talaga silang nagkiss sa mismong mata ko kaya nung time na iyon ay gusto siya hatakin palayo sa babaeng yun at burahin ang halik non sa mga labi niya kung hindi lang ako nadamba ni AZ.






"AZ," Tukoy ko sa babaeng nasa harapan ko na at hinihingal.





"Teka..." Huminga ito nang malalim habang nakatapat ang palad sa mukha ko, senyales na hintayin ko siya matapos huminga ng maayos. Natawa naman ako. Bakit kasi tumatakbo siya? Hindi na lang ako hinintay.





"Okay..." Binaba nito ang kanyang kamay at humugot ng isang malalim na hininga bago ako tignan sa mata. "Ano, sorry kanina kasi dahil sakin naligo ka ng wala sa oras." Paumanhin niyang sinsero sa akin.





"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Nawala lang ako sa sarili kanina kaya hindi ako nakaiwas. Atsaka naglalaro tayo, hindi maiiwasan na may mga ganon." Seryoso kong sagot sa kanya.





"Talaga? Hindi ka nagalit sa nagawa ko?"


Umiling ako at napamulsa sa suot kong hoodie jacket.



"Sure ka ha? Sobrang natakot kasi ako sa reaksyon mo kanina. Parang mananapak ka na eh. First time ko lang yun makita sayo." Napayuko ito nang bahagya at bakas ang pag-aalala sa boses niya.





Inilabas ko ang isa kong kamay at pinitik siya sa noo niyang nakayuko dahilan para mapahiyaw siya sa sakit at tumingin sa akin. "Aray naman! Para saan iyon?"




I chuckled, "Quits na tayo," tipid kong sagot at nilagpasan na siya para magtungo sa mga kaibigan kong nagmumuni muni rin pala sa dalampasigan. Mga nakahilata o nakaupo ang mga ito sa malaking telang pinagsama sama at nilatag nila sa buhangin para magkaroon ng malaking espasyo sa lahat habang pinapanuod ang gintong bola ng liwanag na paunti unti nang nilalamon ng malawak na karagatan sa harapan namin. May mga pagkain at inumin ring nakalagay sa gitna.





Napalingon silang lahat sa akin nang makalapit ako sa kanila.



"Xyianne!" Tawag sakin ni Sab habang nakangiti. "Tara na dito, kanina ka pa namin hinihintay."




"Kaya nga, alam naming paborito mo itong part na ito kaya kami naglatag." Sabat naman ni Brandon.

Napangiti ako sa gesture nila. Kabisado na nila ang gusto ko sa kabila ng ilang taon naming pagkakaibigan.





"Come here sit and chill with us." Nervana added kaya napatingin ako sa gawi niya. Next to her is my best friend Bridgette na kanina pa tahimik dahil hindi ko rin siya pinapansin simula pa kanina and next to her is her apparently secret lover if lover nga ba ang maitatawag, it's no other than our former professor Ma'am Levine na nakatitig lang sa kawalan and as usual tahimik lang din then next to her is her cousin na pinagselosan kong therapist pala, si Olivia.





Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtulak sakin ng nasa likuran ko indicating me to start moving. "Upo na dali. Mamaya hindi ka na makakaupo kasi may pa-games na si Kylie." Sabi ni AZ at nauna nang maupo kaysa sakin. Tumabi siya sa pwesto ni Kylie na katabi si Lewis at nakaakbay sa balikat niya.




This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now