Chapter 49

2.9K 62 20
                                    

Xyianne








"Let's go, Love." Mabilisan kong hinatak sa paglalakad si Love habang nakayakap pa rin ito sa akin sa bewang at ako naman ay nakaakbay sa balikat niya papunta sa hotel.







"Ang lamig," May nginig niyang sambit nang makasakay kami sa elevator dahil may aircon dito sa loob. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya para magbigay ng init kahit na nilalamig din ako.







Nang makarating kami sa floor namin ay mabilis rin kaming napalakad at takbo at mabilisan ring nakapasok sa loob ng kwarto.







"Mauna ka na maligo kasi kanina ka pa nangangatog." Saad ko nang magtungo ako sa closet para maghanap ng pampalit na damit.







Wala akong narinig na pagkilos sa kanya at wala rin akong sagot na narinig kaya lumingon ako para tignan kung ano ang ginagawa niya pero nakatayo lang pala ito sa likuran ko at nakatitig sa akin habang yakap yakap pa rin ang sarili.








"B-bakit?" Utal kong tanong dahil ang lalim na naman niyang tumingin.







Bumuka ang bibig nito pero walang boses na lumabas mula sa kanya kaya napatikom ulit siya.








Nangunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Love? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko.







Dahan dahan itong tumango at sinubukang magsalitang muli. "Uhm...do you want to...sh-shower t-together?"







Natigilan ako sa sinabi niya.







"I—uhm, I know nilalamig ka rin so...I think it's better if s-sabay tayo." Kinagat niya ang ibabang labi niya matapos niyang sabihin ang gusto niyang iparating. Sobrang pula na rin ng pisngi niya marahil sa beer na nainom niya kanina na dalawang tungga lang.







Umihip muli ang malakas na hangin sa aircon at nangatog na naman siya sa kinatatayuan niya kaya agad ko na rin siyang hinatak papasok ng banyo para hindi na siya mahirapan pa. I automatically locked the door behind me.








Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa bilis ng kilos ko. "S-sabay na tayo..." Utal ko ring sambit sa kanya. Hindi na ako nilalamig, nag-iinit na ako sa loob ko. This is my first time sharing a bath with someone and it's with her. Kaya kinakabahan ako dahil ngayon ko na lang ulit makikita ang kabuuan niyang walang saplot.








Napaiwas ako ng tingin at mabilis na tumalikod para lumunok ng kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Nakaharap ako ngayon sa pintuan, "You can go inside first. I'll follow."








"Okay," She said, almost a whisper. In a minute, I felt her removing her clothes and swiftly went to the shower to warm the water. I also heard her turning the faucet in the bathtub, filling it.







"Are you still okay there?" She said softly, making sure that I didn't intend to leave her here.







"Y-yes, just one sec." I answered at dali daling naghubad ng suot kong damit at iniwan iyon sa sahig. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko upang tignan kung anong ginagawa niya sa loob.







"Shit," usal ko at sabay tumalikod muli para humarap sa nakasaradong pintuan  at napapikit. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko maintindihan bakit ako kinakabahan sa nakita ko. The barrier is made of glass kasi kaya kitang kita ko agad.







This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now