Finale

3.9K 78 99
                                    

Xyianne

Sunday.



Dumaan ang sabado na parang bula, sobrang bilis ng araw. Natapos agad iyon nang hindi ko nakikita si Love.




Maaga siyang umalis nung araw na iyon dahil may urgent siyang aasikasuhin about daw sa business niya. Hindi ko naman pinigilan dahil importante sa kanya ang bagay na iyon pero hindi ko siya halos nakausap nung sabado sa sobrang dami daw niyang ginagawa. I guessed it was because she spent too much time with me noong Friday. Kaya kailangan niya asikasuhin noong sabado. So as a supportive girlfriend, I let her.






Wala rin naman akong inatupag buong sabado kundi magreview nang ibang files ng proposals sa home office ko. Para mabawasan din kahit paano ang gawain ko pagbalik sa Monday since wala rin naman akong makausap that day.




Maski kasi si Bridgette ay hindi ko makausap. Ikukwento ko sana sa kanya yung nangyari nung Friday. But she just said she's busy organising my house blessing, nagpresinta naman akong tulungan siya pero she insisted na siya na ang bahala at magrelax or gumawa na lang daw ako ng ibang trabaho basta huwag lang daw akong pupunta sa bagong bahay ko.





Siraulo eh noh? Nagtataka man ako pero hinayaan ko na lang. Tutal all in siya sa mga ganyan. I trusted her with my new home because she's the one who also pays for it. Kaya rin siya may sariling kwarto don. Siya ang nagdecide non kaya hindi na ako nagreklamo.





And now, this is it. The day of my house blessing! I can't believe I'll be able to live there. Hindi naman siya nalalayo sa family house namin dahil same village lang yun itinayo. Mas pinili ko kasing dito na lang din dahil nga si Daddy. Matanda na at kailangan pa rin ng aalalay kahit sabihin na nating nandoon si Manang Rosita para sa kanya. I'm still worried about him. So that's it.




"Mommy, let's go na po. I'm sure they're waiting for us there." Pangungulit ng bata sa gilid ko. Nakatitig lang kasi ako sa sarili ko dito sa salamin sa kwarto ko.



I am waiting for her message but she's not replying. Sabi ko sabay na kami pumunta don eh.




Bumuntong hininga ako at tumayo na sa pagkakaupo ko. "Okay, let's go." Sagot ko at hinawakan ko siya sa kamay papalabas sa kwarto ko.





"Ate, Where's dad?" Tanong ko sa isang katulong namin na naglilinis sa living room.




"Ay, nasa kotse na po Madam. Kanina pa po kayo hinihintay." Maagap niyang sagot kaya tumango ako at nagpasalamat.



Nagtungo agad kaming dalawa sa garahe at naabutan nga naming nakabukas ang pintuan ng sasakyan at nandon nakaupo ang tatay ko sa backseat at seryosong naghihintay sa amin.




"Why are you taking so long?" Seryoso niyang sabi sa akin na tila naiinis pa dahil sa kabagalan ko. "Don't let them wait for you, Xyianne. Naghihintay na daw ang pari kanina pa." Dugtong pa niya.




Napangiwi na lang ako at mabilis na isinakay sa passenger seat si Trixie dahil nasa backseat na sila Manang at Daddy. Umikot din agad ako patungo sa driver's seat at mabilis na isinuot ang seatbelt ko pagpasok.




"Ikaw kasi mommy, tulala pa more." Pang aasar pa niya sa akin kaya inirapan ko siya.




Chineck ko ulit ang phone ko dahil baka nagmessage na siya pero hindi pa rin. Ano na kaya nangyayari dito. Yari talaga ito sakin pagnakita ko ito mamaya. Huwag lang talaga niyang idahilan na lowbatt siya dahil itatapon ko na ang cellphone niya tutal hindi siya marunong magcharge.





This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now