Chapter 10

2.6K 74 15
                                    

Xyianne





"Ayoko naaaa!" Sigaw ni Bridgette sa may corridor. "Parang mas okay pa madetention kaysa paglinisin ng buong floor na ito!" Dagdag pa nito at nagpapadyak pa sa inis.



I lazily chuckled at her remarks. Gabi na at wala nang estudyante sa floor ng mga BA course dahil maagang nagpadismiss ng klase sa mga panghapon dahil may meeting daw ngayon ang mga professors para siguro sa gaganapin na event nila.



Kasalukuyan kaming nakahiga dito sa sahig ng corridor. Magkasalungat ang pwesto ng mga katawan namin pero ang mga ulo namin ay magdikit. Matamang nakatitig lang kami sa kisame ng pasilyo na ito.




Hingal at pawis na pawis matapos naming linisin ang bawat silid at ang mismong corridor na pinaghihimlayan namin ngayon.



Hindi na kasi kami natuloy sa detention room, naabutan kasi namin si Ma'am Adler kanina bago pa man kami tuluyang magkarecord sa detention.



As usual, tuwang tuwa ang kaibigan ko kasi hindi mababahiran ang kanyang matayog na pangalan kuno.



Dahil kapag nagkarecord kami, for sure tanggal na kami sa mga laude laude na yan.



May pustahan pa naman kami na kung sino ang magkakaroon ng Laude saming dalawa ay makakatanggap ng house and lot. Kung parehas man kaming makakuha non ay pagbabasehan namin kung sino ang pinakamataas samin at ayun ang wagi.



Oo, house and lot. Kaya naman pursigido din akong mag aral ng husto dahil sa pustahan namin. Hindi kasi alam ni Daddy iyon, baka magulat na lang siya wala ng laman ang bangko ko paggraduate ko. Si Bridgette naman kasi ay maraming budget pero kuripot kasi ito. Halata naman dahil puro siya palibre sakin at sa kung sino ang makausap niya. Ganyan kakapal ang mukha niya.



Back to our topic nung nasalubong namin si Ma'am ay awtomatikong natuptop ang bibig ko nang makasalubong namin siya. Ewan ko ba pero parang mas lalo ata akong nahiya sa kanya noong naalala kong siya yung tumulong sa akin before. Buti na lang at mukhang hindi niya ako maalala. Pero nahihiya pa rin ako. Pangalawang beses na niya akong nakitang ganon kapag sobrang pigil ko sa sama ng loob ko.




Nagpasalamat naman kami sa ginawa ni Ma'am, pero ngayon sising sisi na kaming dalawa dahil sa sobrang pagod namin. Feeling ko kumalas na ang mga buto ko sa katawan dahil nagbuhat pa kami ng basura mula dito sa building papunta doon sa garbage station sa ground floor. Hindi naman kasi ako sanay maglinis at ganon din ang kaibigan ko.




Super nag iinarte pa nga itong isa dahil ni hindi nga daw siya humahawak ng walis tambo sa bahay nila tapos dito lang daw niya iyon nagawa.




In fairness nga kahit super inis niya kanina ay hindi ko narinig yung bibig niyang magmura. Nagbabago na ang kaibigan ko.




Takot lang daw niyang baka biglang lumitaw si Ma'am Levine kapag nagmura siya. Baka matuluyan na siya sa detention room.




Napailing iling na lang rin ako sa mga kalokohan namin kanina habang naglilinis ng mga rooms. Dahil lagi kaming tag isa ng room na lilinisin at maglalagay kami ng timer. Kung sino man ang maunang matapos ay may 500 na matatanggap.





Ayun, halos naka tatlong libo ako samantalang siya ay nakadalawang libo. Kaya hindi na rin namin ipagtataka kung bakit kami hingal na hingal at pawis na pawis.



Sa huli, napahiga na lang kami sa sahig.

Halos patay na rin ang mga ilaw dito sa corridor pero hindi ganon kadilim.




This Is, Love (GxG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن