Chapter 5

2.9K 87 6
                                    

Xyianne



"I'm sorry I'm late, Miss. I'm Lewis Lopez—"

He was cut off when he was about to introduce himself in front of us.


"Omg si Lewis! Dito na mag-aaral? Ang pogi talaga niya!"

"Kung iyan lang din naman ang magiging kaklase ko sa Accounting okay lang. Magtitiis ako kahit mahirap!"


"Sana dito siya umupo sa tabi ko!"


Rinig ko sa mga kaklase kong haliparot.



Tumikhim si Ma'am para manahimik ang ibang nag iingay. Nakalimutan atang may pinapagawa sa kanila ang prof namin.


"I know, take your seat already. And please refrain from being late in my class. I don't want to be interrupted all the time. Do you all understand?" Madiin nitong bigkas habang nakatingin sa lalaking nasa harapan at napadakong muli ang mata nito sa akin.


Tumango ang karamihan sa mga kaklase ko.


Seriously Ma'am? Hindi ka talaga nakamove on sakin?



I mentally rolled my eyes when she did that. Kaso natuluyan na ang pag irap ko nang mapagtanto kong naupo na sa tabi ko itong si Lewis.



Siya lang naman ang anak ni Tito Louis na nakadate kong manyak before at ito din ang in-arrange marriage sa akin ni Dad after I graduate. Parang ayoko na tuloy grumaduate.




It is a very traumatic exFerience. I don't want to do this again. Pakshet! Yun lang ang masasabi ko. Pakshet talaga!

Now I can relate to Sharlene San Pedro.



"Small world." Nakangisi nitong sambit sa akin pagkaupo niya.


Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang paggawa ng seatwork na pinapagawa ng prof namin. Madugo kasi masyado ito. Accounting eh. One wrong move mali na lahat.


Bigla naman akong nangilabot ng hawakan ako ni Lewis sa braso dahilan ng pagpitlag ko sa kanya.



Pinanlakihan ko ito ng mata at sinamaan ng tingin. Gusto ko isaksak yung ballpen na hawak ko sa kamay niyang nakahawak ngayon sa braso ko.


"Tanggalin mo yan kung ayaw mong mawalan ng kamay ngayong araw." Malamig kong sabi sa kanya.


He just chuckled and shook his head.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Xyianne. Still brutal but I always find it hot." He whispers sabay kindat sa akin.


Yuck! Kadiri. Manyak talaga!


Hinigpitan ko ang kapit sa ballpen na hawak ko dahil gusto ko na talaga isaksak sa mukha niyang ang panget panget.



Nang biglang may tumikhim sa harapan namin. Miss Levine crossed her arms and looked at both of us but she stared deadly at Lewis. "Sit at the front." She commanded him.




"I'll do that tomorrow, Ma'am. I'll just finish my seatwork and our class today." Pagdadahilan nito at binatawan na ang braso ko habang nagpapanggap na sasagot sa papel.


Miss Levine sighed and looked at me.


Napailing na lang ako at yumuko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Siya rin ay umalis na sa harapan namin kinalaunan.


Natapos ang subject ni Miss Levine na hindi ako ginugulo ni Lewis. Paano ba naman, bantay sarado ang mata ni Ma'am sa kanya. Buti na lang at may bait na natitira itong si prof ko kahit na napakasungit at nagyeyelo.


This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now