Chapter 8

2.3K 76 15
                                    

Xyianne





Kasulukuyang nakataas ang mga paa ko sa ibabaw ng table. Nakaupo ako dito ngayon sa couch sa kwarto ko at busy akong naglalaro ng CODM sa phone ko.



Magulo ang aking mga buhok dahil sa pagbalibalikwas ko ng pwesto lalo na kapag malapit na akong mamatay sa laro.


Minsan pa'y napapatayo ako sa pwesto ko at napapatalon kapag nakatakas ang kalaban ko kapag binabaril ito.



"Hmm, gago ka ah. Kanina ka pa talon ng talon ah!" Gigil na sambit ko habang ang nakasandal sa backrest ng couch ko.


I scrunched my nose dahil puspusan ang pagbabarilan namin hanggang sa natumba ang kalaban, pinasayaw ko ang character ko sa tuwa nung mapatay ko ang natitirang kalaban ko.



Winner winner chicken dinner, Baby!



Matapos kong maglaro ay agad kong ibinaba ang phone ko sa gilid ko at nagstretched ng mga braso at daliri. Nakailang game ako simula nang makauwi ako galing sa group meeting namin kanina. Hindi na rin ako tumuloy dahil tinamad na akong lumabas ulit. Ganito talaga ako once na makauwi ayaw ko ng lumabas pang muli.


Boring kong tao di ba? Pero dahil wala akong kaibigan bukod kay Bridge kaya hindi rin talaga ako pala punta kung saan man iyan.



Kaya ito inuubos ko na lang ang panahon ko sa pag-aaral, pagtulog, at paglalaro.



Para lang makaiwas kakaoverthink sa kung anong meron sa professor kong anghel na binagsak ng langit sa malambot na foam kaya ayun walang galos at napakaganda ng mukha.



Oo maganda si Ma'am, pero syempre mas maganda ako. Hindi ako ginawa ng mga magulang ko para magpalamang ng kagandahan.



Pamilyar talaga yong itsura ni Ma'am, hindi ko lang talaga sure kung saan ko siya nakita. Nasa dulo na ng dila ko yung clue eh.


Idagdag ko pa sa pag iisip si Nervana. Gumagatong sa iniisip ko. Gawin ko siyang uling dyan kapag napikon ako.




Hays! Ayoko na. Nagooverthink na naman ako. Makapaglaro na nga lang ulit.



Akmang ioopen ko na ang CODM app ko nang biglang may tumawag sa phone ko.



My forehead immediately form a creased because it was an unknown number.



Hindi ako fan ng pagsagot ng mga unregistered number kaya hinayan ko lang matapos ang pagriring at ng matapos ay inilagay ko siya as a spam number.



Pipindutin ko na sana ulit yung CODM ko nang biglang tumawag naman ngayon si Bridge.




Sinagot ko din naman agad dahil baka may kailangan ang babaita.



"Hi baby! Where you at? I'm hoping to see you here but sadly you're not. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko kanina. I already miss you though!" Halos malalaglag ang panga ko habang pinapakinggan ang malanding tono ng boses sa kabilang linya.




I triple check the registered name on my phone dahil sigurado akong hindi si Bridge ang may ari ng boses na yon. Kaso number talaga niya eh. Rinig ko rin sa kabilang linya ang bahagyang tawanan at ingay ng tugtog sa paligid.



"Who you? Bakit gamit mo ang number ni Bridge?" Seryosong tanong ko sa taong kausap ko.


"Oh honey, it's me, Your babe Nervana."
Sabi ko na. Ang maharot na si Nervana ang kausap ko.



This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now