Chapter 18

2.3K 79 38
                                    

Xyianne







"Oh my gosh, Beshy! I'm so proud of you! Sabi sayo kaya mo eh!" Bridgette jumped on me to give me a hug the moment I step foot down the stage. My group are glad at the performance we did. We played another three songs because of their unending requests. Pinatigil lang sila dahil may sasabihin pa sa amin before kami bumalik ng silid. 

Napakasaya ng pakiramdam ko, feeling ko nawala lahat ng takot sa loob ko dahil sa suportang pinapakita nila sa akin. 





"Hi, can I take a picture with you?" Eunice suddenly interferes to our group na nagkakasiyahan pa rin. Is she pertaining to me? "Yes, you're Xyianne right?" pagpapanigurado pa niya.

Tinulak ako ni Bridge para hindi na ako makatanggi pa. "Picture daw lodi!" She giggles. Kahit kailan mapang-asar siya.

"Thanks," Sambit nito nang makalapit siya sa akin. "Can you please take a photo of us?" Request niya kay Nervana na kanina pa nakamasid sa amin. 

"Sure," Nakangisi niyang saad sabay kuha ng phone ni Eunice. Inaayos niya ang hawak sa phone at nagbilang for picture taking. She smiled playfully as we heard the camera shots.

"Pwede lapit ka ng konti?" Request ng babae sakin dahil para akong tuod na hindi makadikit sa kanya. 

"Tinatamad na ako, here." Binalik ni Nervana ang phone niya. 

"Pero.."

"Look, that's enough photo for tonight." She smiled with her cat eyes in a sensual way. 






Eunice checks the photos that were taken a while ago at hindi na ako magugulat kung ano ang mga kuhang litrato. It's Nervana's selfies. Napasapo ako sa ulo dahil sa nakita habang natawa naman si Eunice. Pailing iling nitong tinignan si Nervana na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. 

"It's much prettier, isn't it?" She says and winks. In born na ata ang pagiging maharot niya.






Bahagyang namula ang isa, "Y-yeah, but I badly want a picture with her. Thank you for this." Walang muwang na sagot ni Eunice kay Nervana kaya naparolyo na lang siya ng mata. 

"Did you just ignore my beauty?" Hindi makapaniwalang usal niya. Mabuti na lang at hinatak na siya nila Sabrina para kausapin. Naiwan kaming dalawa ni Eunice. 

"Uhm, I hope you don't mind if I ask one more picture with you?" Nahihiyang saad nito habang kinakamot ang ulo.

Wala naman akong magagawa kung tatanggi ako. "Sure,"






Itinaas nito ang cellphone na hawak niya at itinapat ang camera sa harapan namin. I didn't move an inch kaya siya na ang lumapit at umakbay sa balikat ko para magkasya kami sa iisang frame. "Smile," She says. Naiilang man sa pwesto namin ay ngumiti pa rin ako sa camera. Hindi ko nga alam kung ngiti pa ba iyon o ngiwi. Ang awkward ko kasi.

"Thank you, Xyianne. Ang galing mo kanina. See you around." Tumango na lang ako kay Eunice bago siya umalis at bumalik sa ginagawa niya.






"I supposed the one meter distance rule is only for me." I heard a whisper from behind me kaya napalingon ako, I know that voice. I saw her walking away from where I am at nagtungo sa kumpol ng tao sa ibaba ng stage. 





"Beshy! Halika na dito. Picture taking na!" Tawag sakin ni Bridge. 

May picture taking pa lang magaganap na pangkalahatan kaya naman ang mga upuan kanina ay inusog na sa dulo para magkasya ang lahat. 






Dali dali akong sumunod sa pwesto niya at tumabi. Nandito kami malapit sa kung saan nakapwesto ang Presidente sa gitna at nakaupo naman ang ibang estudyante sa lapag. Ang iba ay tumuntong na sa stage para mas magkasya at makita sa camera. 





This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now