Chapter 7

2.7K 69 13
                                    

(Xyianne's photo above)



Xyianne







Kasalukuyan akong nasa study table ko. Nagbabasa lang ako ng mga namiss na topics sa ibang subjects na hindi ko pa rin natatapos. Yung bigay ni Ma'am Adler ay tapos ko na kaya balak ko na rin ito isauli pagpasok ko.

Wala akong schedule ngayon kaya ano oras na akong nagising kaninang umaga.

It's already 1:00 pm kaya nagpasya muna akong mag pahinga sandali sa pagbabasa para maisauli ko na rin yung ibang text books sa iba kong professor pagpasok ko bukas.



Dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong iniwan ko si Ma'am sa parking lot ng school. Hanggang ngayon nangingiti pa rin ako kapag naaalala ko kung gaano siya nainis sakin that time. Biruin mo nainis ko yung maamong tupa. Ang satisfying.



Hindi ko rin siya nakita kahapon kasi wala akong schedule sa kaniya kaya bukas ko na lang ibibigay itong mga textbooks niya.


Sumandal muna ako dito sa swivel chair ko dahil nananakit na ang likod at batok ko, kanina pa kasi ako nagbabasa.


I stretched my neck from side to side until I felt a satisfying relief. I swing my chair around while my head was lazily resting at the head rest at pinagmasdan ang umiikot kong paningin sa buong paligid ng kwarto ko. Masyadong mataas ang sikat ng araw ngayon sa bintana ko. Malaking tipid din sa kuryente ang ganitong bintana na gawa sa glass, masyadong maliwanag.


#tipidtips


*cellphone chimes*

My phone vibrated with the sound and lit up so I decided to check it since I'm taking a break from reading.

Group chat pala namin.


Mga Alipin ni Sir Dexter


Bridgette B.

Guys! Since I think all of us
ay walang schedule today,
Let's take this time to make
our questionnaire.

Whatcha think?


Wow, ang sipag talaga nito maging leader eh. Kaya minsan ayaw ko ito kasama sa groupings kasi masyadong hands on. Charot!

Sabrina O.
Now na ba? Pwede naman,
Gabi pa naman ang gig namin.

Xyianne Y.Z.
I'm in.

I replied kahit na tinatamad akong lumabas ngayon. Pero dahil nagsisipag akong mag aral para makagraduate ay go na agad ako. Baka maghabol pa kami sa deadline kung baliwalain namin yung project kay Sir pogi.

Brandon S.
replied to Sabrina O.
Yeah, diretso na lang kami
ni Sab don if tuloy ngayon.

Bridgette B.
Iyan ang gusto ko
sa mga kagrupo ko 🥰
Shout out sa mga pabuhat
na groupmates ko before!

This Is, Love (GxG)On viuen les histories. Descobreix ara