Chapter 15

2.4K 78 13
                                    

(Xyianne's photo above)

Xyianne







"Ayan, yung sa bandang kaliwa mo mukhang hinog na!" Sigaw ni Bridge mula sa baba ng puno.






Nandito ako ngayon sa puno ng mangga dahil may 10 minutes break kami sa pag akyat ng bundok. Nakaisang oras na kami at nasa gitna pa lang kami ng daanan papunta doon sa VWF kaya pinagpahinga muna kami ng mga guides at professors.







Mababa lang naman yung puno kaya umakyat na ako, gutom na daw kasi si Bridge kawawa naman ang mga sawa sa tyan niya kung hindi siya pakainin.






Umalis din sandali sa pwesto namin ang dalawang professors namin dahil nakichismis pa sila sa ibang professors sa kabilang pila.

K

aya hanggat walang bantay ay sumaglit na ako ng akyat. Sanay na ako umakyat ng puno dahil sa garden namin sa bahay. May tree house na ako doon noong kabataan ko pinagawa ni Daddy dahil lagi daw akong nasa puno kulang na lang daw ay gawin kong bahay iyon kaya ayun.







At dahil naka-parachute pants ako ay ako na ang pinaakyat nila. Maong shorts na hanggang tuhod kasi ang suot nila Bridgette, Nervana, Sabrina at Naomi. Nag-usap usap daw sila sa GC which is hindi ko naman nacheck dahil busy ako magdrama kagabi. Kawawa naman kung magasgasan ang mga legs nilang ginintuan. Although nagpresinta sila Brandon at Lewis ay hindi ko sila pinansin dahil kaya ko naman. Hanggat kaya ng mga babae, huwag aasa sa lalaki.








Ngayon ay nandito ako sa sanga at inaabot ang panglimang mangga na tinuro ni Bridgette dito sa kaliwa, medyo alanganin ang pwesto ko pero kapit lang sa matatag bawal tayo mapilayan.







"Okay, ayos na ng pila guys. Paalis na ulit tayo." Sabi nang guide matapos nito umihi sa tagong damuhan sa kung saan. Sakto din at kakarating lang ng dalawang professors naming chismosa. Charot.






"Nasaan si Borja at Zamora?" Isang malamig na boses ang namutawi sa mga tainga naming dalawa ni Bridge.





"There," Walang prenong sambit at turo ni Nervana sa pwesto ni Bridge. Tila nang aasar pa ang tingin niya saming dalawa ng kaibigan ko. How dare she!?! Huwag talaga siyang hihingi ng mangga!





"What are you doing there, Borja? Where's Zamora?" Dagdag na tanong ni Ma'am Levine. Hindi pa ata niya ako nakikita sa taas ng puno kaya naman nangangatog na ako dito sa pwesto ko.






"Nasaan si Zamora?" Tanong din ni Ma'am Adler at lumapit na sa pwesto ni Bridge na may bitbit na mga mangga sa dalawang malaking panyo na ginawa naming lalagyan. Tila kinakabahan din dahil sa naubutan kami ng mga professors.






"Ma'am! Mangga g-gusto niyo?" Kabadong usal ni Bridge sa dalawa.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now