Chapter 42

2.1K 65 11
                                    

Sorry for the delay in updating. Huhu. Pero eto na, mahaba! Hehe.

——

Xyianne




"Where are you?!" Bungad ni Nervana sa kabilang linya halatang may bahid ng galit ang tono niya. Siguro ay nalaman na nito ang about sa naging pag-uusap namin kanina kaya ganoon na lang ang tono niya.

"Why?" Maang ko sa malamig na boses. Kanina pa ako nakaupo dito sa dulo ng garden sa school para magpahangin at mag-isip isip tungkol sa nangyari kanina.

"What, why? Tell me where you are!"

"Nervana kalma, kung about ito sa naging usapan namin kanina ng pinsan mo—"

"Fuck you, Xyianne! Sabihin mo kung nasaan ka!"

Nabigla ako sa pagsasalita niya sa akin, ramdam ko na naman ang dilim ng awra niya kahit nag uusap lang kami sa telepono. Parang yung awra niya noong hindi ko nasipot si Ma'am noong nag alok siya ng lunch dati.

"Teka—"

"Just tell me!" Pagpuputol niya. Kahit hindi ko maintindihan ang sobrang galit niya ay sumagot na lang ako.

"Garden," pagkasabi ko noon ay wala pa sa isang segundong binaba niya ang tawag.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ang lala naman ata ng galit niya? Parang may iba pang problema...

*Phone vibrating*

Napapitlag ako sa pagtunog na naman ng phone ko gayong kabababa pa lang ng tawag nung isa.

Si Bridge naman ngayon.

Huminga muna ako nang malalim at napatayo sa bench na inuupuan ko kanina pa bago ko sagutin yung tawag.

"Hello—"

Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakaramdam na agad ako ng matinding sakit sa panga.

"What the fuck?!" Inis kong usal. Napabalik ako sa pagkakaupo sa bench dahil sa impact ng kamaong tumama sakin. Hawak ko ang kanang panga kong nilingon habang nakasalubong ang kilay ang sumuntok sa akin.

Kita ko ang dilim ng ekspresyon ni Nervana sa akin habang nakakuyom pa rin ang mga kamao nito. Hingal din ito dahil sa pagmamadali para lang masuntok ako.

"What the fuck?!" Paguulit kong muli sa sobrang inis ko't balak ko pa sanang gantihan siya. Ngunit lumapit pa ito sa akin para hawakan ako sa kwelyong suot kong pang office upang ipatayo at iharap sa kanya.

She clenched her jaw before speaking. "How dare you do that to my cousin! I'm going to kill you, Xyianne! I trusted you to her!" She said, full of range.

What's happening?

"I don't know what you're saying! Get off me!" Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niyang nakakulong parin sa kwelyo ko upang tanggalin iyon pero lalo lang humigpit ang pagkakakapit niya.

She scoffed a bit offended by what I said. Ramdam ko na ang mainit na hininga nito galing sa ilong at ang mga malapusang mata nito na kulang na lang ay saksakin ako gamit iyon sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Clueless again?!" Mariin niyang sumbat at akmang susuntukin na naman ako nang biglang umawat samin si Bridge.

"Hoy, maghunos dili kayong dalawa!" Humawak si Bridge sa mga kamay naming mahigpit ang pagkakakapit sa isa't isa sa bandang leeg ko para paghiwalayin iyon.

"Tang ina, Nervana bitaw! Ikaw din, Beshy! My gosh, hulas na ko kakatakbo tapos pag aawatin niyo pa ko?!"

"Get off, Bridgette! Tuturuan ko lang ng leksyon itong best friend mong walang puso!" Sinasalag niya si Bridge habang nagsasalita habang mariing nakatitig pa rin sa akin. Mahigpit pa rin ang pagkakakapit niya sa kwelyo ko.

This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now