Chapter 48

3K 66 8
                                    

Xyianne








"Uy Beshy, libre mo naman ako non oh!" Turo ng damuho kong katabi sa may nakasabit na mga bestida dito sa local shop na hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan namin.







Namimili kasi kami ngayon ng mga souvenirs o kaya'y mga pasalubong na pwede namin mabili bago kami makauwi bukas ng umaga. Kaya ito kami, nagwiwindow shopping sa mga boots na nakatayo dito sa gilid ng isla matapos naming umahon sa dagat at kumain ng tanghalian pero ang kuripot kong kaibigan ay puro palibre na naman! Bwisit.








"Bakit ka ba sakin nakakapit? Doon ka sa bebe mo. Mas mayaman yun sakin." Singhal ko sa kanya habang pilit na inaalis ang dalawang braso niyang nakakapit na parang tuko sa braso ko na akala mo anak kong ayaw mawalay sa nanay niya sa mall.








Ngumuso ito at umirap, "Tsk, bakit ba kanina mo pa ko pinagtutulakan don? Ayaw mo na ba sakin? Sawa ka na ba? Pinagpalit mo na talaga ako kay Ma'am?" Nag iinarte niyang saad habang pumapadyak na parang gago. Hayup, daming kadramahan sa buhay!


Napapairap na lang tuloy ako at napapangiwi kada alog niya sa braso ko habang pumapadyak.







"Ma'am oh, yung bebe mo ayaw na sakin! Parang hindi ako mamimiss pag-alis ko dito sa Pinas!" Dinamay pa ang isang katabi kong natatawa na lang kanina pa dahil sa asal nitong nasa kabila ko. Magkabilaan kasi silang kapit sakin. Si Love ay nakahawak sa kamay ko at chill lang na naglilibot ng mga mata habang nakikinig sa kabaliwan nitong nasa kaliwa ko. Kaya para akong may bitbit dalawang anak. Yung isa special child, yung isa maliit kasi kaya baby ko hehehe.







Pero kahit na! Ako yung nahihiya sa kanya. Jusko, Bridgette.


"Hindi naman talaga," singhal ko ulit sa kanya na lalong nagpadrama sa kanya.







Napahawak ito sa dibdib niya na para bang naoffend siya sa sinabi ko at napanganga pa ang bibig. "Ilang araw na lang ako dito oh. Baka naman pwede ka magpanggap na mamimiss mo ko!" Himutok niya at sabay acting na parang iiyak na bata.








Napailing iling na lang ako at napahinga nang malalim sa nagtatantrums kong kaibigan. Ang isa patawa tawa lang kasi pinipigilan ko siya kanina pa, siya na daw ang bibili para lang manahimik itong isa. Nabilhan na niya ito ng tsinelas, shades, at bag kaya namihasa ang loka loka. Kapal ng mukha kala mo walang pera.








"Anong konek non sa pangungurakot mo? Nakadami ka na, aba. Stop na yan. Hindi ka na nahiya!" Salubong ang kilay kong pinagagalitan siya. "Halika na, lipat tayo sa iba." Dagdag ko pa dahil ayaw niyang lubayan yung nakasabit na damit.








"Noooo!" Mangiyak-ngiyak nitong pag iinarte habang ang kamay niya'y parang inaabot ang pangarap niyang unti unti nang lumalayo dahil naglalakad na ulit kami palayo doon sa shop.








Nang makalayo na kami sa wakas ay bumaling ito sa harapan para maglakad nang maayos pero nakanguso na ito at sobrang lungkot ng mukha, nakayuko pa nang bahagya ang ulo niya na parang disappointed siyang hindi nabili yung gusto niya.








"Tumigil ka nga dyan, B. Dinaig mo pa anak ko kung mag inarte. Bigwasan kita dyan eh." Seryoso kong usal. Lumuwag din kasi ang hawak niya sa braso ko na pinagpapasalamat ko naman pero kasi hindi ako sanay na malungkot ang mukha niya kahit na bwisit na bwisit na ko.


Hay! Ang spoiled brat! Hindi ko naman matiis.








Lumingon ako sa katabi ko para humingi ng permisong bumalik ulit kami doon sa nilagpasan naming boot. Ngumiti ito at umiling na huwag na sabay turo niya sa likuran namin.






This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now