Chapter 19

2.2K 77 17
                                    

(TW: Panic attack)

Xyianne







Pumarada ang sasakyan na gamit namin dito sa tabi ng kantina. Dito daw gustong kumain ni Ma'am Adler ng breakfast.

Hindi pa ako nakakakain sa mga ganito dahil bihira lang ako lumabas ng bahay namin. Halos pagkain sa canteen ng school, fast foods, and other restaurants lang ang nakakainan ko. 





Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na sinundan ko si Ma'am patungo sa orderan ng pagkain.

Lumingon ito sa akin, "What do you want? Pili ka lang dyan sa taas." Turo nito sa isang pahabang display ng mga menu sa kantina na ito. Marami na rin ang mga nagsisipagkainan dito at tila sarap na sarap sila sa kinakain nila.

Napakamot ako ng ulo, "Uhm, hindi ko po alam kung saan dyan ang masarap."

She clicks her tongue, "Okay, ako na ang bahala. Wait mo na lang ako sa upuan oorder lang ako." Saad niya at tsaka ako hinabol ng tingin hanggang sa makaupo ako.







Ilang minuto ang itinigal niya at bumalik na rin pagtapos. "5 minutes pa daw. Gutom ka na ba?" Saad niya pagkaupo sa tapat ko.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. "Hindi naman po," biglang tumunog ang tyan ko. Traydor!

"I see, hindi nga." Sambit niya sabay tawa. Namula ang mukha ko sa hiya. Pahamak talaga ang mga body parts ko sa katawan. May mga sariling utak.







"Ma'am ito na po ang mga orders niyo. Sana'y mabusog kayo." Sabi ng babaeng nagserve sa amin nang may ngiti sa labi. Tumango lang kami at nagpasalamat at umalis na rin siya pagtapos.

"This is Batangas Lomi, one of there best dishes here in Batangas, also I know you know this one, it's Bulalo. Baka kasi gusto mo humigop ng sabaw bukod sa Lomi. I hope you like it." Ma'am Adler introduce the dishes in front of me. Agad na naglaway ako sa presentation ng pagkain. It really looks yummy!

"You can start eating, you're already drooling!" She chuckled at my reaction. Agad kong sinunod ang sinabi ni Ma'am at sinabayan niya na rin akong kumain.

Grabe! Ang sarap nga! Walang duda.

"Ang sarap nga nito, Ma'am!" I said giving her a thumbs up. I was having my happy tummy moment when she suddenly glides her thumb on the corner of my lips. Natigilan ako sa ginawa niya at agad na tinitigan siya sa mata.





"Uhm, ang kalat mo kumain." She chuckled and showed me the excess lomi soup on her thumb. She extended her hand to show me a closer look at it.

"Here." Sabi pa niya.

Agad nangunot ang noo ko, "P-po?"

"Clean it."

"What?" Maang kong muli. Nakatapat kasi sa bibig ko yung thumb niya. Ano gusto niyang gawin ko? Kasi iba ang naiisip ko.

My ghad! Xyianne ang utak mo.

"I said clean it, Zamora." She softly uttered. Waving her thumb in front of me with an innocent smile.






Wala sa sariling ibinuka ko ang bibig ko at akmang isusubo na ang daliri niya nang bigla niyang bawiin iyon ng mabilis sa harapan ko at namula, "S-shit, I mean...I said clean it. W-with a tissue..."

Nagiwas agad ito ng tingin pagtapos niyang sabihin iyon habang kagat ang ibabang labi nito. Siya na rin ang kumuha ng tissue na nasa tabi ko lang pala. Matapos noon ay napainom siya ng tubig at pinagpatuloy na lang pagkain niya.






This Is, Love (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin