Chapter 24

2.1K 77 3
                                    

Xyianne







I am having my alone time in our mini garden at the back of our house. I'm currently here inside my tree house. Kahit 22 years old na ako ay favorite spot ko pa rin ito kapag gusto ko ng mapag-isa nang hindi lumalabas ng bakuran namin or nagpupunta kung saan saan.  


It's Sunday kaya wala pa kaming pasok. Kahapon lang kami nakauwi from our 4 days charity event from the two main foundations that our school is sponsoring. And about doon sa nakakawindang na balitang narinig namin mula sa bibig ni Lewis sa bus ay hindi na iyon maalis sa isip ko.


They're not identical or there's no resemblance that we can visibly see na related talaga sila kaya hindi sumagi sa isip ko yun kahit anong mangyari, at isa pa, magkaiba sila ng apilyedo, kaya nagtawanan na lang ang mga classmates namin nung sabihin niya yon.


Halata man ang gulat sa mukha ni Ma'am Adler that time pero hindi siya umalma nang sabihin iyon ni Lewis at nang tumingin ako sa kanya nang may pagtataka ay tumango lang siya at bumalik muli sa pagkakaupo niya sa harapan.


So siya pala ang isang anak ni Tito Louis which I never met kapag may company event sila dad dahil laging si Lewis ang nandoon. Kaya siguro ganoon na lang ang gulat ko ng malaman iyon kahapon.


Nagsisimula na naman tuloy akong mag overthink about sa professor ko. There are many hidden things I didn't know about her. Kasalanan ko ba iyon if hindi ako mahilig manghimasok sa personal issues nila in life? Hay, nakakaloka.


Pero pagdating kay Ma'am gusto ko na lang biglang alamin kung ano pa yung meron sa kanya na hindi ko alam. Parang gusto kong malaman lahat kahit maliit na bagay sa kanya. Ultimo paraan niya kung paano magsuklay ng buhok gusto ko alamin. Gusto ko kasi siyang mas maintindihan pa nang sa ganon ay pagkatiwalaan niya ko. Gusto kong ma attach kay Ma'am dahil ayon ang sabi ng puso ko. Gusto ko siya.




**





"Dad, did you know about tito Louis's other child?" Bungad ko kay dad na nagpapahinga sa kanyang silid. Hawak nito ang remote ng TV niya at matamang nakatutok sa pinapanuod niyang documentary.


Bahagya siyang napalunok bago sumagot sa akin pero ang mata'y busy sa panunuod. "What about it? Are you planning to meet your future in laws?"


Biglang naikuyom ko ang mga palad ko sa loob ng hoodie jacket kong suot. Dapat pala hindi na ako nag abalang natungin siya. Ang pangit pala ng topic namin.


Umiling ako, "I'm just curious, I never met her before kapag may event tayo sa company." Nanatili akong nakasandal sa pader malapit sa mini bookshelf niya.


"Why do I feel like you know who is it already? Anong gusto mong malaman talaga, anak?" Biglang sumeryoso ang itsura nito at pinindot ang pause para sa pinapanuod niya. Tumingin ito sa akin.


Napalunok ako sa pagbabago ng aura niya. "May problema ba don, Dad? Masyado kang seryoso." Pagbibiro ko dito para gumaan ang ambiance sa loob ng kwarto niya.


"You don't need to bring that up because it's not important. You must focus on getting along with Lewis and your schooling. Isang semester na lang at gagraduate ka na at magkakapamilya. You should plan ahead about your future with him and not on the other things, anak." Tumayo na ito sa kama niya at tinapatan ako. Ang seryosong mukha nito ay nanatili habang ang mga mata niya'y tila nanunusok. "Don't disappoint me."


Naiwan akong masama na naman ang loob sa tatay ko. Bakit naman laging si Lewis ang bukambibig niya? Atsaka, future with him? I can't even see him in my future kahit anino ng lalaking yon ay wala sa imahinasyon ko sa future. Bwisit!


This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now