Chapter 6

2.8K 77 4
                                    

Xyianne

Nandito ako ngayon sa library, magaadvance reading na lang ako tutal may 40 minutes pa kong natitira. Sayang din yun kung tutulala lang ako sa garden.

Gusto ko lang ring ituon ang isip ko sa ibang bagay. Hindi ko pa rin kasi maalis yung reaksyon ni Ma'am sa sinabi ko. Nasaktan ko ba siya? Eh kasi hindi talaga ako sanay sa mga clingy na tao. Ayaw ko.

Tsaka bakit siya ganoon sakin? Hindi pa naman kami close and to think na professor ko siya. Ganoon ba talaga siya sa mga estudyante? Kaya siguro maraming nagkakagusto doon.

"Ssshhh!" Napapitlag ako sa biglang nagsuway na boses. Para kasing inis na inis na eh.

Hindi ko napansin na kanina ko pa pala tinutuktok yung ballpen ko sa table.

I mouthed sorry sa katabi kong babaeng nakasalamin. Maganda siya at maputi, may hawig siya pero hindi ko mawari kung sino, mukha rin siyang matalino, mahaba ang straight niyang buhok na hanggang bewang niya. Ang iksi din ng skirt na suot niya. Buti pinapayagan yang suot niya? Napakaiksi eh, kulang na lang magpanty na lang sa sobrang iksi!

Ay! pota—


Nalaglag ang panga at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ibinuka yung mga legs niyang kanina lang ay nakakrus.

Mahabaging langit!


Napasign of the cross ako sa utak ko.

Dali dali akong napayuko at tumingin sa librong hawak ko at nagkunwaring nagbabasa. Ramdam ko kung paano umakyat ang dugo ko sa pisngi ko. Ang init bigla! Siraulo iyon ah!

I heard a soft chuckle from the woman near my table. Kita ko sa peripheral vision ko kung paano siyang nakakaakit na tumayo at naglakad papunta sa table ko at nilapag ang isang piraso ng maliit na papel.

Hi, I'm Nervana :) 09******745

Yan ang nakasulat sa papel.

Inangat ko ang tingin ko sa kanyang malapusang mga matang may salamin. I gulped, ang ganda niya kaso may mga pilyang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kaya nag iwas agad ako ng tingin.

She patted my shoulder and leaned closer to me and whispered near my ear. "Hit me up." Sabay lakad palayo at palabas ng library.

"I'm straight!" Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun. Tama lang na marinig niya bago lumabas ng library.

Sinuway agad ako nung librarian. Pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako sa babaeng nagngangalang Nervana na nasa pintuan ng library.



Her mouth just went 'o' but then she smirked and winked at me.

Anong akala niya sakin? Straight ako! Nadistract lang ako sa iksi ng suot niya kasi I'm just concern okay? Nakakaloka!

Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. First time kong makaencounter nang tulad niya! What the actual fuck! I'm not what she thinks! Hindi! Hindi!

I inhaled and exhaled trying to process everything that happened a while ago. Every body is testing me. Kaya mo yan Xyianne!

Makakagraduate ka ng maayos kaya huwag mo na sila isipin!


****



"Oh, anyare sayo? Parang ang pula ng mukha mo at mukha kang stress na stress?" Bungad sa akin ni Bridge nang makarating ako sa room namin ngayon sa last subject today.


"Excuse me? Maganda pa rin naman ako." I flipped my hair at agad na naupo sa tabi niya.


"Lakas ng hangin, dumating ka lang!" Pangaasar nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay.


This Is, Love (GxG)Where stories live. Discover now