Chapter One

62 2 0
                                    

MABILIS ang paglalakad ni Avyanna sa tahimik na kalsada. Tanging poste ng ilaw ang siyang nagsisilbing liwanag sa maliit at madalim na kalsada. Halos wala ng mga taong dumaraan dahil madaling-araw na rin. Hawak-hawak niya ang kanyang itim na bag pack na hinarap niya at nakalabas ang ice pack na palagi niyang dala-dala para ipagtanggol ang sarili. Kahit nanginginig ang kamay niya sa paghawak ng flashlight ay madiin pa rin ang pagkahawak niya rito para hindi ito malaglag. Sa kanyang peripheral vision ay nakita niya ang anino ng dalawang malalaking lalaki na naka-hood na kani-kanina pa siya sinusundan. Ngayon niya pinagsisihan na hindi magpahatid sa mga kasama sa banda, at ang kaisipang dumaan dito ng dis oras ng madaling-araw.

     "Papa Jesus, ayoko pa pong magkaroon ng maagang reunion kay mommy dahil kailangan ko pa pong grumadweyt. Dalawang sem na lang eh. Promise, hindi na po ako dadaan ulit dito," piping bulong niya sa sarili.

Mas binilisan niya ang pagtakbo nang makita niya na ang maliwanag at malaking kalsada. Naaninag niya rin ang dalawang lalaki na mabilis ang takbo sa paghahabol sa kanya.

     "Tulong! Tulungan ninyo ako! Mga kapit-baranggay!" sigaw niya habang tumatakbo.

Linilingon-lingon niya rin ang dalawang lalaki.

     "T*ngina," mahina niyang mura nang mas bumilis pa ang mga ito.

Hinigpitan niya pa ang paghawak sa bag at sumasakit na ang paglilingon niya sa mga ito. Napaupo siya sa sahig nang muntikan na siyang masagasaan ng motor ng isang lalaki. Tatayo na sana siya ngunit may umagapay sa kanyang isang lalaki na naka-unipormeng pang-pulis!

Nanlaki ang mga mata niya at hingal na hinarap ito.

     "Miss, anong nang-"

     "Boss Chief, tulungan n'yo po ako! May dalawang lalaking humahabol sa akin! Gusto akong patayin! Ayoko pa po ng early reunion kay mommy! Gusto ko pa pong grumadweyt!" mabils na sagot niya rito, naroroon sa mga mata ang takot.

Hindi niya gaanong tinitigan ang buong mukha nito at naniniwala naman siyang totoong pulis ito. Sana...

Mariin siyang tinitigan at ang daang tinuro niya. Nakita niya ang aninong papaalis.

     "T*ngina! Nakatakas, Boss Chief!" singhal niya rito at sinapo pa ang mukha.

Nanghina ang tuhod niya at ngayon niya lang napagtanto ang kapaguran sa ginawa niyang pagtakbo. Sa sahig sana siya masasalampak kung hindi lang siya nasalo ng morenong pulis na nakahawak sa kanyang bewang habang siya ay awtomatikong nakakapit sa matigas at matipuno nitong braso. Kumunot ang makapal na kilay ng morenong pulis sa kanya dahil sa lutong ng pagmumura niya. Kinuha nito ang walkie talkie at may kinausap sa kabilang-linya. Nakikinig ng mabuti si Avyanna dahil nahuli siya sa buong-buo at malalim nitong boses saka lang niya natitigan ang morenong pulis. 

Dala ng maliit na liwanag sa kanilang paligid ay napansin niya na may munting balbas ito sa panga. Nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang nakaramdam ng pagtaas ng balahibo sa braso si Avyanna sa pagsalubong ng titig nito. His deep, serious, almond and upturned eyes make him more strict and alpha in her eyes.

Ikiniling niya ang kanyang naiisip. Humiwalay na rin siya rito. Nakaramdam siya ng hiya. Katatapos lang ding kausapin ng lalaki ang kabilang-linya. Naging kyuryosa tuloy siya kung mahuhuli ito, pero sa tinatagal nila rito ay baka hindi. Nabaling ang tingin niya sa kalsadang pinagtakasan ng dalawang holdaper.

     "May dalawang kriminal na naman ang nakatakas," bulong niya.

Narinig niya ang pagtikhim ng morenong pulis kaya nabaling ang atensyon niya rito.

     "Don't worry, miss. Hinuhuli na sila ngayon ng kapulisan, hindi naman iyon makakalayo," anito.

Tumango siya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon