Chapter Twenty-Four

12 0 0
                                    

SIMULA ng araw na magkasama niyang pinagdiwang ang Bagong Taon, naging mas malapit na sila ni Kier. Ang binata ang sumusundo sa kanya sa t'wing matatapos ang gig niya. Noong una ay nagulat pa siya sa presensya nito. Minsan ng nanood ang pamilya nito kasama ang binata. Kinakabahan pa nga si Avyanna dahil alam niyang maalam ito sa larangan ng pagkanta at paggamit ng instruments.

Iniiwasan niya nga rin si Nicco na minsan ay sumasama kay Kier para panoorin siya sa kanilang gig. Tahimik lamang ito sa t'wing nakakasama nila ito pero ramdam ni Avyanna ang mabigat na presensya ng binata. Sa tingin niya ay may bago itong nalaman tungkol sa kanyang ama pero pinagtataka niya ay hindi man lamang siya nito kinompronta kung may alam na rin ito tungkol sa kanya.

     "Thank you, Boss Chief," aniya ng nasa loob na sila ng sasakyan nito.

Binalingan siya ni Kier.

     "Para saan?"

     "Para sa pagsusundo sa akin t'wing may gig ako. Sa pagsusundo sa akin sa t'wing nasa rush hour ako galing sa school. Kahit halatang pagod ka sinusundo mo pa rin ako," nakangiti niyang sambit.

Napangiti na rin si Kier.

     "Para ka tuloy sugar daddy ko!"

Humalakhak si Kier at napapailing siyang tingnan. Natawa na rin siya sa nasabi. Kung hindi driver ay baka sugar daddy.

      "Ako? Sugar Daddy?"

    "Oo. Kulang na nga lang bibigyan mo ako ng pera eh!"

Hindi man alam ni Avyanna kung ano ng status nila Kier pero ganoon pa man ay masaya siya dahil ramdam niyang mas humigit sila sa pagiging magkaibigan.

Hinaplos ni Kier ang baba. Ang mga mata ay lumiliwanag.

     "Pera? Sige, magkano ba? Willing akong maging sugar daddy mo basta ako lang," nakangising tugon ni Kier.

Nagbukas ang bibig ni Avyanna at ramdam niya ang pag-init ng pisngi. Muling natawa si Kier na inirapan niya.

     "Gag*ng sugar daddy 'to!"

Tinitigan siya ni Kier at kinuha ang kamay niya.

     "I'm willing to be your sugar daddy or whatever you called. Basta ako lang."

Kinagat niya ang labi at pinigilan ang matamis na ngiti.

     "Ikaw lang naman eh. Ikaw lang, Boss Chief."

Napangiti siya ng lumapat ang labi ni Kier sa kanyang noo.

     "Ang blooming mo!" tuya ni Kara ng nasa bahay nila ito.

Inirapan niya ito at pinigigilan ang kilig na nararamdaman. Inayos nito ang turband headband at ginamit na panali sa buhok. Pinony-tail niya ang kanyang humahaba ng buhok. Nag-apply din siya ng liptint.

Nginisihan niya si Kara na nakahiga na sa higaan niya.

     "Matagal na akong blooming. Ngayon mo lang napansin? Ang late huh!" pang-aasar niya.

Inilagan niya ang unang binato nito sa kanya. Tinawanan lang niya ito.

      "Ngayon ka lang kasi nagmukhang tao! Gag*ng 'to!" Tumayo ito at sinuklay ang buhok.

     "Basher!" Inirapan niya ito at pinameywangan. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

Biglaan na lang kasi itong pumunta ng walang pasabi. Wala silang pasok at wala naman siyang kailangang tapusing school works dahil natapos niya na rin naman.

      "Samahan mo ako mag-mall. Ayaw akong samahan nina Aldrin at Rey. Alam mo naman si Rey busy siya sa paghahanap ng mga taong nambugbog sa kanya."

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now