Chapter Twelve

12 1 0
                                    

SA TATLONG ARAW na lumipas ay palaging kinokontak si Avyanna ni Kier sa kalagayan ng pangangalaga ng dalaga sa bahay nito. May pagkakataong sinesendan niya ng pictures ang binata para may proof itong binabantayan nito ang bahay. Nasanay na rin si Avyanna na tinatawagan o kaya mine-message siya ni Kier t'wing gabi.

     "Hi, Boss Chief!" bati niya rito ng masagot ang tawag nito.

Kakauwi lang niya sa bahay at gaya ng bilin nito, hindi siya pumupunta t'wing gabi sa bahay nito. Pabor din 'yon kay Avyanna dahil pagod na rin siya kung dadaan pa siya sa bahay nito.

Bumungad sa kanya ang moreno at kalmadong aura ng binata. Naka-asul na T-shirt lang ito at walang kahit na anong accessory sa katawan ang makikita. Halatang nasa labas ito ng bahay at nakasandal sa de kahoy na upuan. Laptop ang gamit nito kaya kitang-kita niya ang malawak na bakuran ng background nito. Halatang mahangin din ang paligid dahil sa paglilipad ng buhok ng binata.

     "What are you doing?"

Sandaling sinilip ni Avyanna ang binata. Nasa kusina siya at pinatong niya muna sa stand ang cellphone habang may ginagawa siya.

     "Nagluluto ng adobong manok," simpleng tugon niya rito. "Kumain ka na rin ba?"

Hindi alintana ni Avyanna na sa kanya lang nakamasid si Kier sa ginagawa niya.

     "Mag-aalas-nwebe na ng gabi ngayon ka pa lang kakain?"

Hindi mawari ni Avyanna kung tama bang may inis sa tinig ni Kier pero binalewala niya lang iyon. Ayaw niyang mag-assume.

     "Oo eh." Natawa pa siya. Sakto namang tapos na ang ginagawa niya kaya humarap na siya rito. "Na-late lang sa pag-uwi. Bumisita pa kasi ako kay mommy. Hindi ko na nga namalayan ang oras eh."

Totoo iyon. Pagkauwi niya kanina ay dumiretso na siya sa puntod nito. Hindi niya pa kasi nadadalaw.

Muling kumalma ang aura ni Kier.

     "Oh, okay. Akala ko gumala ka na naman eh." Natawa pa ito.

Natawa na rin si Avyanna. "Hoy grabe ka, Boss Chief! Minsan ko lang naman ginagawa at hindi ko na siya ginagawa ngayon, fyi! Atsaka ang boring kasi kung uuwi ako kaagad." Sumandok na siya. "Kain. Ikaw ba, kumain na?"

Tumikhim si Kier bago sumagot.

     "Yes. Kanina pa. By the way, na-receive ko ang message mo sa akin. Thank you for taking care of my house."

Napangiti si Avyanna at nabitin pa sa ere ang kutsara. Tumingin siya sa screen at huli ng mapagtantong namumula na pala ang pisngi niya at muli na namang tumitibok ng malakas ang kanyang dibdib. Tumikhim siya at tinuloy ang pagsalubong ng mga mata ng binata.

     "Wala 'yon, Boss Chief, may bayad naman eh!"

Npapailing si Kier habang si Avyanna ay dinaan iyon sa tawa. Aaminin niyang bukod sa sahod na makukuha kay Kier, masaya siya sa pinapakita at nararamdaman niya sa t'wing kausap ito sa phone o kaya nagme-message ito sa kanya. It become her daily routine for these past few days.

     "Hindi naman mahirap linisin at bantayan ang bahay mo, Boss Chief. Walang gaanong kalat at kaunti lang ang gamit, except na marami pang laman ang ref mo. Ang daming Chuckie ha!"

Kinagat ni Kier ang labi at napapailing.

     "Sabi ko naman sa 'yo pwede kang kumuha ro'n eh." Kumibit-balikat pa ito.

Ngayon lang nakita ni Avyanna na may iniinom pala itong Chuckie ngayon!

Ngumisi si Avyanna at nasa mga mata ay pagiging sutil at pilya. May naalala.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now