Chapter Thirty-Five

15 0 0
                                    

TATLONG LINGGO matapos noong hinatid nito ang kotse niya na full tank na ay hindi na muling nagpakita sa kanya si Kier. Kahit na magbigay siya ng bayad ay hindi nito tinatanggap. Wala na siyang nagawa kaya hinayaan niya na lang. Tama lamang na hindi na siya maniwala sa sinasabi nito na palagi itong nasa tabi niya.

Pinarada niya ang sasakyan at dumiretso sa opisina ng Kuya Darren niya sa bahay nito. Ang bahay ni Mr. Ventura. Pansin niyang nadagdagan ang mga tauhan sa labas at labas ng bahay. Nagtataka man ay hindi niya na inalintana pa dahil sa kapatid niya na lang aalamin.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Sandaling tumingin sa kanya ang kuya niya bago muling binaling ang atensyon sa mga papeles nito sa mesa habang may suot na salamin. Nakasuot na ito ng white polo shirt na pinatungan ng itim na blazer at handa na papasok ng opisina.

Biglaan lang naman kasi ang pagkikita nila ngayong umaga. Dapat nga ay papasok na rin siya ng ganitong oras kaya lang tumawag ito sa kanya kahapon na magkikita sila.

     "Good morning, Kuya."

Pinaupo na siya nito sa harap.

     "Good morning din, Avy. Kumusta?"

Napangiti siya at sandaling sinilip ang ginagawa nito.

     "Ayos lang naman, kuya. Bakit mo nga pala ako pinatawag? Dahil ba 'to sa trabaho ko?" Hindi naman nababahala si Avyanna sa performance niya sa trabaho dahil alam niyang ginagawa niya ng tama kahit abala rin siya sa pinapatayong botika.

Pinagsalikop ng kapatid niya ang dalawa nitong kamay sa mesa at seryoso itong tumingin sa kanya. Binasa pa nito ang labi bago nagsalita.

     "Hindi sa trabaho, Avy. It's about the entrapment operation four years ago."

Dinamba muli ng kaba si Avyanna ng marinig ang sinabi ng kapatid. Muling nanumbalik ang lahat ng nangyari sa kanya tatlong taong nakaraan. Ang nakaraang tatlong taong bangungot niya.

     "A-anong ibig mong sabihin?"

Umigting ang panga ni Darren at tinaggal ang reading glasses, hinihilot ang tungki ng ilong.

     "May nakabalita sa akin na nasa Pilipinas na ang dating kasamahan ni dad sa illegal buissness niyang 'yon. Hanggang ngayon ay gumagawa na ng aksyon ang mga awtoridad para dakpin ang lalaki. Hindi siya nadakip kaagad dahil may bago na naman itong kinapitang sindikato. Nalamang palipat-lipat pala ito ng bansa at pinepeke ang identity."

Mahigpit niyang kinuyom ang kamay sa kanyang hita. Takot at pangamba ang lumulukob sa kanyang katawan ngayon.

     "Ibig s-sabihin... hindi tayo safe rito? Ako? Kailangan ko bang b-bumalik sa Canada?"

May posibilidad nab aka balikan sila dahil sila naman ang dahilan kung bakit nasira ang ilegal na negosyo nito. Naalala niya ring nagkasalubong sila ng tingin nito noon kaya may posibilidad na balikan siya.

Ang kaisipang iyon ay nagpasikip ng dibdib niya. Hangga't maaari ay ayaw niya ng bumalik pa ng Canada. Oo, masaya siya roon pero alam niyang hindi para sa kanya ang bansang iyon. Palagi pa rin siyang nangungulila.

Tumayo ang kapatid niya at pinuntahan siya at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom at malapit ng magkasugat.

     "Of course not. Alam kong matagal mo ng gustong umuwi rito. Now you're here, building your own, ayokong hadlangan ka."

     "So anong gagawin ko? Manatili rito kahit alam kong walang kasiguraduhan ang kal-"

     "You'll be safe here. Sinisigurado ko. May inatasan na akong personal mong bodyguard."

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora