Chapter Sixteen

10 0 0
                                    

     "Anong ginagawa mo rito?"

Paalis na sana sa bahay si Avyanna ng makita ang Kuya Darren niya sa labas ng bahay. Hindi siya galit sa kapatid, nagtataka at nagtatampo lang dahil sa inasal nito sa harap niya noong nagkasagutan sila ng ama.

Bumuga ng hangin sa dibdib si Darren at ngumiti sa kanya. May dala itong paper bag at naaamoy niya ang isang putahe. Kumalam tuloy ang kanyang sikmura sa naaamoy. Napansin iyon ni Darren kaya lihim na ngumiti ito, sinimangutan ito ni Avyanna.

     "Gusto kitang makausap sa nangyari."

Tumango siya at linuwagan ang gate. Pumasok ito at umupo sa sala.

     "Dad is right, Avyanna. Layuan mo ang pulis na 'yon. He's not good for you."

Napantig ang tenga ni Avyanna at mabilis na liningon ang kapatid.

     "A-anong sabi mo? Layuan ko si Kier? Nagpapatawa ka ba, Kuya?" Sarkastiko siyang tumawa kasabay ng paghapdi sa dibdib niya.

Nag-isang linya ang bibig ni Darren at nagtiim-bagang.

     "Hindi ko siya lalayuan, Kuya. Hindi ko alam kung anong rason n'yo bakit kailangan ko siyang layuan?" Hindi niya mapigilang tumaas ang boses. "May tinatago ba kayo sa akin? Kilala n'yo si Kier?"

Kinuyom ni Darren ang kamay.

     "Hindi siya makabubuti sa 'yo, Avyanna. Hindi mo siya kilala. Pinagsasabihan ka lang naming dahil concern kami sa 'yo, lalo na ako."

Muling sarkastikong natawa si Avyanna.

      "Concern? Si Mr. Ventura, concern sa akin? That's the impossible and ridiculous words you say, Kuya. Hindi siya kailanman naging concern sa akin. At ikaw? Akala ko makakaramay kita para kampihan ako sa kanya, pero hindi pala." Dumaan ang lungkot at pait sa mga mata at boses ng dalaga.

     "First time, Kuya! Unang beses kang tumutol sa dahilan ng nagpapagaan ng buhay ko. Ang taong nagpapasaya sa buhay ko. Kuya, Kier is a good man. Alam ko 'yon, ramdam ko 'yon. Dahil sa bawat araw na nakakasama ko siya ay iyon ang nararamdaman ko. You're just misinterpret him. Or kung may alam ka man, sabihin mo sa akin ng maintindihan ko. Please."

Napailing siya.

     "Hindi ko alam kung paano at bakit n'yo ako pilit pinaglalayo sa kanya. Kung kilala n'yo siya, paano? Kuya, I'm telling you, hindi ko siya kayang layuan." Pumiyok ang boses niya.

Mahinang nagmura si Darren at nagtiim-bagang. Naaawa sa hitsura ng kapatid niya. Ito ang unang beses na makitang nagsusumamo ito para sa ibang tao, bukod sa ina nito. At alam niyang malaki na ang epekto ni Kier sa sistema ng kapatid niya. At alam niyang hindi ito maganda. Nakatingin lang si Avyanna rito, nakiki-usap.

     "Importante ba talaga siya sa 'yo ngayon, Avyanna?" malamig na tinig na tanong nito.

Mabilis na tumango si Avyanna.

      "Naging parte na siya ng buhay ko, Kuya. Ayoko siyang iwasan na lang ng basta-basta."

Namuo ang pag-asa sa dibdib niya dahil maaaring makuha niya ang loob ng kapatid. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil natigalgal at natigilan siya sa sunod na narinig.

     "Kahit ipapahamak mo na kasama siya?" may paghahamon sa tinig. Tumaas ang sulok ng labi ni Darren sa kalituhan at katigilan na nakikita sa kapatid. Ayaw niyang saktan ang nararamdaman nito pero wala siyang choice kung paano mapaintindi rito na kailangan nitong lumayo sa binatang pulis hangga't maaga pa.

     "A-anong ibig mong sabihin? Ginagag* mo ba ako?"

Lumawak ang ngisi ni Darren, umiling.

     "I'm just stating the fact, li'l sis. Sa nakikita ko masyado ng nakuha ng pulis na 'yon ang loob mo. Kaya hangga't maaga pa lumayo ka na sa kanya baka mad-"

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now