Chapter Six

12 0 0
                                    

NAKATAAS ang kilay ni Avyanna ng makita kung sino ang nag-aabang sa labas ng gate ng UP Manila. Nasa gilid naman ang sasakyan nito kaya hindi naging abala sa mga estudyante at iilang mga tao. Ngunit agaw-pansin ang lalaking nakatayo sa sasakyan nito. Naka-uniporme pa itong pampulis at nakasuot pa ng shades kahit dapit-hapon na!

Napailing na lang si Avyanna.

     "Ang weird ng kupal," aniya sa sarili, nakahalukipkip.

May iilang estudyanteng dumaraan ang napapatingin sa binatang pulis. Nakakrus pa ang braso nito kaya agaw-pansin ang biceps nito. Umangat ang gilid ng labi nito ng magtama ang kanilang mga mata. Inirapan ito ni Avyanna at dire-diretsong naglakad, hindi pinapansin ang lalaking nakasunod ang tingin sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya kasabay umuwi si Kara dahil nauna pa itong uuwi sa kanya dahil may dinner ito kasama ang pamilya. Habang si Avyanna ay tumamabay pa sa campus dahil ayaw niya pang umuwi kaagad. Nag-advance reading pa siya at tumambay sa library at noong na-bored sa sobrang tahimik ay pumunta siya sa Student Lounge at least may mga estudyante ring dumaraan at tumatambay kaya nakapag-focus si Avyanna.

     "Avyanna!"

Hindi niya pinansin at dire-diretso lang ang paglalakad niya. Nagtataka nga siya kung bakit ito nandito. Hindi naman sila friends at magkakilala.

May halong pagmamadali ang paglalakad niya. Sinuot niya pa ang headphone at kumakanta pa. Nginitian niya rin ang ngumingiti sa kanya at pasimpleng hinahawi ang buhok.

     "Ano ba!" singhal niya ng may humila na lang sa kanyang braso.

Madilim na ang tingin nito sa kanya. Mas lalong dumilim ang maiitim na nitong mga mata. Inirapan ito ni Avyanna kahit pa na nagkandabuhol-buhol na rin ang makapal tong kilay. Hindi siya kaagad nakapagsalita at mas lalong nahihimutok sa gigil at inis ang nararamdaman niya ng tinanggal ni Kier ang headphone niya sa tenga.

     "Wala namang tugtog ah!" inis na sabi ni Kier.

Inirapan niya ito at kinuha ang headphone rito.

     "Sinabi ko bang may tugtog?" naiinis na balik niyang tanong dito.

Pinisil ni Kier ang tungki ng ilong. Inirapan niya na hindi niya kailanman pagsasawaan.

     "Kanina pa kita tinatawag, naririnig mo pala ako. Hinihintay kita na lumabas sa school mo pero linalagpasan mo lang ako!"

Humalukipkip siya at tinaas ang kanang kilay. Ramdam ni Avyanna ang inis ni Kier sa kanya. Pwes siya rin naman eh!

     "Bakit? Friends ba tayo? Kaano-ano ba kita? Kuya ba kita? Tatay? Tito? Ano? Wala naman akong sinabing sunduin at hintayin mo ako ah! Excuse me!"

Napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid. Mariing napapikit si Avyanna at paulit-ulit na minumura ang lalaki sa isip. Ayaw niya ng eskandalo!

Hinila naman siya ni Kier at dinala sa kotse nito. Hindi na siya umangal dahil ayaw niya ng drama at tsismis. Baka kasi siya ang hot topic bukas!

     "Hardheaded lady," bulong ni Kier ng nakapasok ito sa sasakyan.

Inirapan niya ito dahil narinig niya naman. Bumuga ito ng hangin at tumingin sa kanya pagkatapos.

     "Look, young lady, I'm being gentleman here. Noong nakaraang dalawang linggo kinausap kita. I said sorry pero tinalikuran mo ako. I try to talk to you pero ikaw naman 'tong umiiwas sa akin. Kahit nakita kitang papasok na sa school nitong nakaraang linggo, iniiwasan mo ako."

Totoo 'yon. Tinalikuran talaga ni Avyanna si Kier pagkatapos nitong kausapin siya sa Sunken Garden. Nakaramdam siya ng inis dito dahil bigla na lang ito sumusulpot sa paligid niya. Awtomatiko siyang tumalikod dito at sumakay sa scooter. Bastos na kung bastos pero dahil sa pagkagulat ay tinalikuran niya ito. She is speechless and surprise!

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now