Chapter Three

27 0 0
                                    

NAKARATING si Avyanna sa kanilang room at napangiti nang malamang maaga pa siya ng five minutes bago pa man magsimula ang klase. Tumabi siya kay Kara na kaklase niya lang. Naka-headset ang dalaga kaya hindi siya nito napansin kaya kinalabit niya ito.

     "Hoy! Ba't parang nagse-senti ka d'yan?" nagtatakang tanong niya rito. Nakaharap pa kasi ito sa bintana at sa kawalan nakatingin.

Malungkot itong lumingon sa kanya at ngumiti. Mas lalong nagtaka si Avyanna sa kinikilos ng kaibigan.

     "Anyare? Bakit Biyernes Santo ang mukha mo?"

Umiling ito.

     "Hoy! Kara, 'wag mo akong iniiling-ilingan d'yan! Anong nangyari? Parang nitong kahapon ang saya mo pa!" Liniitan niya ito ng mata at humalukipkip. "Hulaan ko, inindian ka ng ka-date mo noh?"

Kumusot ang mukha ni Kara at umiwas ng tingin sa kanya. Inusog niya papalapit ang upuan dito. Sabi na eh! In-denial pa 'tong kaibigan niya, eh, kabisado niya na ito.

     "Hayaan mo na 'yon! Hindi mo naman 'yon kawalan eh!" Inakbayan niya pa ang kaibigan dahilan para bumaling sa kanya.

      "Alam ko naman 'yon! Kaso nakaka-peste lang! Pinaghintay ba naman ako ng matagal sa Starbucks! Jusko naman, Avy! Sa ganda kong 'to! I-inidianin? Paghihintayin ng matagal?" Dinuro pa nito ang sarili.

Pumalatak si Avyanna.

     "Lason talaga 'yong ganyang lalaki, Kara, kaya dapat lesson learn mo na 'yan. Utang na labas naman, pangatlong beses ka ng nakikipag-blind date eh! Malay mo wala pa talaga ang para sa 'yo. Kaya imbes na sayangin mo ang oras mo sa ganyan ay gawa na lang tayo ng kanta na based on experience mo pa, tutulong ako don't worry." Tinaas-baba niya pa ang kilay.

Sumimangot si Kara at tinanggal ang kamay niya sa balikat nito.

     "Ginagamit mo pa ang experience ko! Bakit hindi na lang 'yong iyo? 'Yong masungit na pulis na nakilala mo. Tapos ang title, 'My Boss Chief'! O, di ba!" Pumalakpak pa ito. Samantalang napasimangot si Avyanna matapos iabot dito ang lollipop sa kaibigan na palagi niyang dala-dala.

     "Kadiri ka! Bibigyan mo pa ng meaning ang pagkikilala namin ng manong pulis!"

     "Kadiri raw! Baka mamaya malaman ko na lang may crush ka na ro'n ah!" kantyaw nito sa kanya.

Nagkunwaring nandidiri pa si Avyanna na tinawanan pa ng kaibigan. Muli tuloy naalala niya si Kier at ang pagkikita nila kanina. Matapos nitong sabihin sa kanya kung sino ang binisita ay mabilis na itong nagpaalam na parang si The Flash kaya hindi na nagawa pang magtanong ni Avyanna kaya sinundan niya na lamang ito ng tingin habang papaalis. Hindi pa nga siya naka-recover sa pagkagulat kung sino ang binisita at gusto niyang mag-sorry dahil namali pa siya ng pag-aakala kaso umalis naman kaagad.

     "O, ba't natahimik ka? Tama ako noh?"

Inirapan niya ito na kinahalakhak ng kaibigan. Nagkunwari siyang may sinusulat sa papel para iabala ang sarili.

Siya? Magkaka-crush kay Boss Chief? Para saan? Ang layo pa ng edad nila eh!

Dumaan si Avyanna sa Maginhawa Street para tumingin-tingin ng iba't-ibang pagkain pagka-uwi. Hindi niya na kasama ang mga kaibigan dahil may kanya-kanya itong ginagawa. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa Jerry's at nag-order kaagad ng Shawarma. Matapos nga ay naglibot-libot pa siya ng tingin para maghanap ng mauupuan dahil marami-rami na rin ang tao sa loob ng restaurant dahil talagang dinarayo lalo na ng mga estudyante. 

Nahagip ng kanyang mga mata si Kier na mag-isang kumakain ng carbonara sa pinakadulong bahagi. Naka-uniporme pa ito ng pampulis at nasa pagkain lang ang atensyon. Napansin niya ang pag-flex ng biceps nito sa t'wing inaangat nito ang braso, magulo rin ang pagkahawi ng buhok nito dala marahil ng pagtanggal ng police cap nito. Tumaas ang kilay ni Avyanna ang ilang pagkuha ng litrato sa binata ng ilang kolehiyala. Wala namang pakialam dito si Kier at kung minsan pa nga ay chine-check ang cellphone.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now