Chapter Twenty-Seven

14 0 0
                                    

NAKATULALA lang si Avyanna hanggang sa mauwi na siya sa bahay nila sa Quezon City ng Kuya Darren niya. Hindi rin siya nito iniwan mula pa kanina at pilit siyang kinakausap pero hanggang ngayon ay pakiramdam niya ay narotoon pa rin siya sa headquarters ni Mr. Ventura. Hindi pa rin siya makapaniwalang siya ang kumalabit ng baril ng kapatid niya para hindi lamang mabaril si Kier. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa kanya ang nangyari. Wala siyang pagsisisi sa nangyari, at kung mangyayari man iyon muli ay walang alinlangang gagawin niya iyon para maligtas lamang si Kier sa totoo niyang ama. Ngunit hindi niya pa rin maalis na mabigla sa sarili dahil hindi naman siya sanay sa ganoong eksena.

She was born tough and wise. She was used to make herself tough and fighter since her mother died. Pero ang paggamit ng dahas ay wala sa nakasanayan niya.

Kung babalikan niya ang puno't-dulo ng lahat, siya naman din ang nagtulak sa sarili para malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi siya lumabas sa van ng Kuya Darren niya noong malaman ang kalagayan ni Kier nang tamaan ito ng baril ay hindi magagalit si Kier sa kanya. Nagpumilit din siyang sumama sa gagawing entrapment operation kahit ilang beses na siyang pinagbawalan ng Kuya Darren at ni Nicco dahil ayaw niyang maupo at maghintay lamang ng balita sa magiging resulta.

     "Avyanna, please, talk to me," may pait sa tinig ng kapatid niya.

Naramdaman niya ang basang tubig sa kanyang balikat at ang mahigpit na yakap ng kapatid. Napansin niya rin ang paggalaw ng balikat ng kuya niya dahilan para mapabalik siya sa reyalidad.

     "K-kuya..."

Nag-angat ng tingin si Avyanna at muling lumabas ang saganang luha sa kanyang mga mata nang makitang puno ng mga luha ang mga mata ng Kuya Darren niya. He looks guilty and in pain.

     "Si Kier, k-Kuya."

Umiling si Darren at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi.

     "Please, this time, Avy, sarili mo naman ang isipin mo. I got worried to you! Ni hindi ka kumikibo at tulala lang, tapos ngayon ang lalaking iyon ang nasa isip mo?" nagtitimpi at hindi makapaniwalang sambit ni Darren. Tumayo pa ito at hinilot ang sintido.

Tinakpan ni Avyanna ang mukha at napaiyak.

     "Nag-aalala at nagi-guilty ako Kuya," ang tanging nasabi niya dahilan para lingunin siya ni Darren at umupo sa tabi niya.

Lumambot ang ekspresyon ng mga mata nito.

     "You shouldn't feel that, Avy. Wala kang kasalanan. Wala kang dapat ipag-guilty. Hindi mo kasalanan na naging anak ka ni Mr. Ventura na kinamumuhian niya. Hindi mo kasalanang kailangan mong ilihim ang isang parte ng pagkatao mo. Wala kang kasalanan kaya hindi mo dapat isisi sa sarili mo. Kier should understand you. He should be."

     "Hindi ko alam, kuya. Hindi ko alam kung kailan niya ako papakinggan. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Mr. Ventura sa kanya para kamuhian niya ako."

Yinakap siya ng kuya niya at pinapatahan. Nakatulugan niya na ang pag-iiyak.


***

DALAWANG LINGGO na ang lumipas matapos ang nangyaring entrapment operation at tuluyan ng nakulong si Mr. Ventura at ang ilan pa nitong mga tauhan. Ngunit hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang ilang kasamahan nitong negosyante na nakatakas.

Hindi naging madali ang dalawang linggo ni Avyanna. Hanggang ngayon pakiramdam niya ay naroroon pa rin siya sa entrapment operation. Every night she wake up crying because of her nightmares. Parang kahapon o kanina lang nang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sa kanyang mga alaala. Sa loob ng dalawang linggo ay kasama niya ang Kuya Darren niya. Sa bahay nila ito ngayon tumutuloy. Ayaw niyang iwanan ang bahay nila ng kanyang mommy dahil aaminin niyang may kaunting porsyento na umaaasa siyang pupuntahan siya ni Kier. Nagbabakasakali siyang tutuparin ni Kier ang pangako nito sa kanya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now