Chapter Five

14 0 0
                                    

     "Akala mo ang gwapo, hindi naman! Akala niya 'yong pagsusuplado at pagiging arogante niya nakaka-gwapo sa kanya? Huh! Hambog na pulis! Hindi naman talaga kami friends! Sino bang nagsabi? Meron ba? Wala naman ah!" inis na litanya ni Avyanna pagkapasok pa lang sa bahay.

Basta niya na lang binagsak ang sarili sa sofa at puno ng yamot at inis sa katawan sa ginawa ni Kier sa kanya kanina.

     "Alam kong gabi na! Hindi naman niya kailangan pang ulit-ulitin eh!"

Sinadya niyang puntahan ito kanina pagkatapos ng klase niya, ang kaso ay wala ito sa presinto kaya tinanong niya na lang kay SPO3 Ramirez ang bahay nito. Kaso nga lang ay hinarang pa siya ng gwardya at hindi basta-bastang pinapasok kahit ano pang paliwanag, wala naman kasi siyang number nito kaya paano niya makokontak. Binilinan niya nga ang kabaro nito na pakisabihan si Kier na pupunta siya.

Nagluto pa siya ng carbonara para rito dahil sa sinabi ni Kara. Nakita kasi silang dalawa ng kaibigan na hinahatid siya pagpasok sa eskwelahan, ikatlong beses na hinatid siya. Inaasar pa nga siya rito kaya inamin niya na rin ang dahilan. Ayaw niyang bigyan ng ibig sabihin ang paghatid ng binatang pulis dahil para sa kanya ay wala lang din ito rito.

     "Dapat maging thoughtful ka sa kanya, Avy. I mean kahit kaunting appreciation gift or token. Ang effort ng tao ihatid ka ah! Hindi naman siya taga-Manila."

Tinaasan niya ito ng kilay sa narinig. Nasa Robinson silang dalawa dahil lunch break. Ayaw ni Kara na maggala sa kahabaan ng Pedro Gil kaya dumiretso na lang silang Robinson Mall para kumain at magpalamig na rin- ang init din kasi!

     "Huh? Kailangan ba 'yon? Kailan pa? Kara, nagkakataon lang naman ang lahat. Nagte-thank you naman ako sa tao. Atsaka siya rin naman ang nag-ooffer eh."

Kinagat niya ang burger. Inismiran siya ng kaibigan.

     "Eh! Kahit na! For appreciation man lang, Avy. Nakahiya naman sa tao, oo ka lang din ng oo sa offer. Kaloka ka! Eh sure ka bang walang kapalit 'yong ginagawa no'n?"

Tinitigan pa siya ng mariin- hinuhuli. Inismiran niya lang ito at ininom ang sprite.

     "Oo, wala. Pure intention lang na mahatid ako pagpasok. Akala siguro purita ako!" Natawa pa siya sa naiisip.

Lihim na napaisip si Avyanna sa sinabi ni Kara habang pauwi sila sa kanya-kanya nilang bahay. Hindi naman niya kasi naisip na kailangan pa palang magbigay ng token sa binata. May kaunting hiya pa man din siya kung basta-bastang lalapit dito. Grinab niya lang naman ang offer dahil sayang naman. Mukha namang mabait at hindi siya papakialamaan kaya pumayag na siya.

      "Nakakainis din si Kara eh! Napakapahamak eh!" inis niyang sabi at pinisil-pisil pa ang throw pillow.

Ngayon lang siya napahiya ng ganoon sa buong buhay niya. And worst, may nakakita pa!

Hindi naman siya self-concious pero ayaw niya lang maransang mapahiya lalo na kapag may ibang tao silang kasama. Okay lang sa kanya na patago siya kausapin kung nahihiya itong may makakita sa kanila, pero ang ipahiya, hinding-hindi. Napaiyak na lang siya sa inis sa nangyari kanina. It was least as she expect to her 'Boss Chief'. Nag-effort lang siya. Nag-risk siya kahit 50% na walang kasiguraduhan. 50% nga ba talaga?

Matamalay siya pagpasok sa Afternoon Café. Hindi siya gaanong nakikipagdaldalan sa mga kabanda. Tahimik lang siya sa dulo at nag-aayos ng sarili.

     "Avy, may problema ba? Bakit ang tahimik mo?"

Napansin niyang papalapit sa kanya si Aldrin at hinayaan niya lang ito kaya ng makarating ito ay hinarap niya na ito. Sakto lang din na katatapos lang din niyang mag-ayos ng sarili. Tinali niya ang kanyang buhok at nag-red lipstick. Naka-white tanktop at pantaloon ang suot niya ngayong gabi at piercing earing ang suot niya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now