Chapter Thirty-One

12 0 0
                                    

SHE'S BACK. Nasa sasakyan na siya papunta sa sarili niyang condo. Bago siya umalis ng Canada ay sinigurado niya munang may matitirhan siya pauwi. Naghanap na siya through online ng mga condo sa Pilipinas. Hindi niya na pinaasikaso pa ang pagtitirahan sa kuya niya dahil alam niya namang busy rin ito sa buhay. She refuse when he offer her to have condo. She has money and can do find it well. Kaya niya namang maghanap habang inaasikaso ang pag-alis ng Canada.

At ngayon nga ay papunta na siya. Bumaba na siya ng taxi at pumasok na ng tuluyan sa building. She even greet the guard at pinakita ang ID niya sa receptionist. Then after few checking and confirmation umakyat na siya sa designated condo niya.

Dire-diretso siyang humiga sa kanyang higaan na pinaasikaso niya ng palagyan sa master's bedroom noon pa. She's tired and exhausted. Hindi rin biro ang byinahe niya pauwi. Mamaya niya na lang kakausapin ang Kuya Darren niya dahil mula pa kanina ay iniiwasan niyang sagutin.

Nagising siya at alas-sais na pala ng gabi. Anim na oras rin pala siyang nakatulog. Nag-stretch muna siya bago dire-diretsong lumabas ng kwarto. Napatalon siya sa gulat at biglang nagising ang diwa ng makita ang kapatid niya na nasa kusina at nagluluto.

     "Holy sh*t! Papatayin mo ba ako sa gulat, Kuya D?" nagugulat pa rin niyang sabi sa lalaki.

Bumaling ito sa kanya. He still have this hard and intimatiding aura. Blanko ang mga mata nitong tumingin sa kanya ngunit may kaunting talim. Nakatupi hanggang siko ang puting sleeves nito at nakatanggal na rin ang necktie.

     "Yeah, Avyanna. Same sh*t to you too. Ako ba ang papatayin mo sa kaba dahil hindi ka man lang kumokontak sa akin mula nang umalis ka sa Canada?" mariin nitong tanong sa kanya.

Umismid siya at nakapalumbaba sa mesa.

     "Lowbat ako at inaantok ako kaagad noong dumating ako eh." Kinuha niya ang isang tetra juice dahil na rin sa uhaw.

Matunog na umismid ang kapatid niya.

     "Tss. Ikaw at ang mga dahilan mo."

Ngumisi lang siya at sinandal ang sarili sa upuan. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagod sa byahe. Kulang pa ang anim na oras niyang pagkatulog.

     "Ikaw nga trespassing eh."

Ngumisi itong bumaling sa kanya.

     "I have my keys."

Tinaasan niya ito ng kilay.

     "I help the agent you get to bought things here. So I have keys."

Inirapan niya lang ito. Matigas din kasi ang ulo ng kuya niya eh. Noong malaman nitong naghahanap siya ng condo at tinanggihan ito, he bribe the agent of his condo.

     "Whatever. Pero infairness ah, ang lambot ng kama."

Tumayo siya at nangalkal ng makakain sa ref. Hindi na rin siya nagulat na kahit papaano ay may laman na ito. Bukas na lang siya bibili ng kulang talaga.

     "Thanks, Kuya D!" aniya ng kumakain na sila.

Tumaas lang ang kilay nito sa kanya na ikinatawa niya.

     "Kahit na hindi ka nagpaparamdam sa akin, fine, you're forgiven."

Natawa lang siya at kumuha ng grapes.

Sanay naman na ang kuya niya sa katigasan ng ulo niya. Minsan nga lang naiisahan niya o kaya ito ang nakakaisa sa kanya.

     "Gusto pa naman kitang i-surprise. Dapat kasi nagkunwari ka na lang na hindi mo alam."

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant