Chapter Thirty-Six

12 0 0
                                    

MABILIS na sumakay si Avyanna at pansin ang pagtataka sa kanya ng pansamantalang bodyguard pero hindi naman nagtanong pa. Kaagad niyang inutusan itong paandarin na at bumalik sa kompanya. Alam niyang susundan siya kaagad ni Kier kaya mas mabuting hindi na siya nito maabutan.

Gulong-gulo na siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan si Kier at bigyan ito ng pangalawang pagkakataon. Dahil sa totoo lang unti-unting tinitibag ng binata ang tinayo niyang pader para sa kanilang dalawa. Pero sa t'wing sumasagi sa isipan niya ang mga ginawa nito noon at kung paano ito nito binigo ang mga pangako sa kanya ay mas nanaig ang desisyong hindi na dapat nilang balikan pa ang nakaraan. Mas masasaktan lang sila pareho at magkakasisihan. Isisisi niya lang kay Kier na sana nakinig man lamang ito. Sana nandoon ito noong mga panahong kailangan niya ito. She endure nightmare and flashbacks of what she did to her father.

Inabala niya na lamang ang sarili ang mga mata sa bintana. Pansin niyang patingin-tingin sa kanya ang bodyguard niya na siyang nagmamaneho ng sasakyan niya at minsan ay tumitingin sa side mirror. May sinasabi ito at may kausap sa kabilang linya gamit ang ear piece nito. Mas bumilis nga ang pagtakbo ngayon ng sasakyan niya.

Tumikhim siya at pinapakitang hindi siya nababahala kahit ang totoo ay nanginginig na ang kamay niya at tinutusok-tusok niya na lamang habang nakasandal ang katawan sa upuan. Kasabay ng pagtulin ng sasakyan ang tibok ng dibdib niya.

Nandito na naman siya. Bumabalik na naman sa mga alaala niya ang nangyari sa kanyang three years ago. Muntikan siyang mamatay at maptulan ng paa sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan habang iniiwasan ang medyang humahabol sa kanya.

     "T*ngina!" Rinig niyang bulong ng bodyguard habang mabilis na pinapaandar ang sasakyan.

     "Kuya anong nangyayari? Mga kalaba- Ay!" Natilihan siya ng may sunod-sunod na pamamaril sa kanilang sasakyan.

    "Yumuko ka, Ma'am. Ako ang mayayari kay Chief kung may masamang mangyari sa 'yo."

Mabilis naman siyang yumuko at hindi narinig ang binulong na huling sinabi ng bodyguard niya. Nanginginig ang kamay niya ng sinagot ang tawag sa cellphone. Nang makita ang tumatawag ay gusto niya ng maiyak.

Si Kier!

Si Kier ang tumatawag sa kanya. Rinig niya pa rin ang patuloy na pamamaril sa sasakyan nila kahit pagewang-gewang na rin ang pamamaneho ng drayber.

     "K-kier..." bulong niya.

     "F*ck! Avyanna?"

Pinigilan niyang humikbi at napatili na lang sa mabilis na pag-andar ng sasakyan.

     "Tang*na! Listen, baby, alam ni Robert ang gagawin at pupuntahan n'yo. May mga tauhan na rin akong nakaabang sa inyo, maging ang mga tauhan ni Kuya Darren. We are your back up. Kami ng bahala sa nakaabang sa inyo, okay?"

Tumango siya kahit hindi nito nakikita pa.

     "J-just be safe, alright?"

Mahina siyang napaiyak na. Ayaw niyang marinig iyon ng bodyguard at ni Kier dahil baka mas mag-aalala pa ang mga ito.Ayaw niyang mapunta ang buong atensyon ng mga ito sa kanya.

     "Kier..."

     "Avyanna."

     "Mag-iingat ka. Makikita pa kita mamaya."

Hindi na niya narinig pa ang pagsagot ni Kier sa kabilang-linya at mabilis na pinatay ito. Mabilis pa rin ang pagmamaneho ng bodyguard ngunit nawala na ang pangamba lalo na napansin niyang bumagal na ang pagmamaneho ng humahabol sa kanila. Napapikit na lamang siya.

Nakarating siya sa kabilang street na sinasabi ni Kier at nakita niya ang ilang mga tauhan ng kapatid niya at ilang mga pulis. Inakay siya nito sa bakanteng sasakyan at doon na pinasakay. Mas maigi na raw doon dahil bullet proof at marami siyang kasama. Pumayag na rin siya dahil para sa kaligtasan niya rin iyon.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now