Chapter Fifteen

11 0 0
                                    

HABANG nasa practice kasama ang banda ay halatang wala sa mood ngayong araw si Avyanna. Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang nagkaroon siya ng lakas ng loob na sagutin at tutulin ang kagustuhan ng totoong ama. Hindi niya rin alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sagutin ito dahil ito ang unang pagkakataong masabi niya rito na may mga bagay na tutol siya sa mga sinasabi nito sa kanya. Hindi man nito kinokontrol ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay dahil para nga rito ay hindi siya nag-eexist ngunit pinapaalala lang nito na h'wag gumawa ng hakbang na ikadadamay nito sa t'wing kakausapin lang siya.

Hindi niya rin ma-gets kung bakit kailangan niyang layuan si Kier- ang Boss Chief niya dahil hindi niya makikitaang may koneksyon ang dalawa. Kier is a silent and serious man, while his father is same as him, ngunit ibang-iba naman ang katayuan ng dalawa sa buhay. Anong meron kay Kier na kinaayawan ni Mr. Ventura?

At bakit ang Kuya Darren niya... mas nakadagdag ng kalungkutan at katamlayan niya ang naging reaksyon ng kuya niya. Hindi iyon ang ine-expect niya rito. Her brother always at her side, defend and protect her. Pero bakit ngayon ay hindi siya nito nagawang protektahan sa kanilang ama? Hindi man lang ito nagsalita at disappointed pa ito sa kanya. He saw how shock he was when he knows she knew Kier and they are close. Hindi niya alam kung may tinatago ang mga ito sa kanya o ayaw lang ba nitong maka-usap niya si Kier sa hindi malamang dahilan. Naguguluhan at nasasaktan siya. Masyadong malaman ang pahayag nito sa kanya. Did she miss something? Does she have to know something?

Ngunit sa kabila ng lahat ayaw niyang lumayo kay Kier. Hindi niya alam kung paano at saan nagsimulang ma-attch siya rito ng tuluyan. Aaminin niyang tuluyan ng naging parte ng buhay niya si Kier. Ang iwasan at hindi na ito makita ay siguradong magpapasakit ng dibdib niya. Ang isang buwan ngang hindi niya ito nakita ay masakit na sa kanya, paano pa kaya kung pamhabang-buhay na?

Mailap at suplado man ang binata, alam ni Avyanna na mas may hihigit pa roon ito. He may be cold outside, but he's warm inside. At iyon ang nararamdaman niya sa t'wing kasama niya ito. Don't get her wrong, masaya siya sa mga kabanda niya, pero ang kasiyahang nararamdaman niya kay Kier ay ang damdaming hindi niya mapangalanan sa ngayon.

     "Break muna tayo."

Nag-angat siya ng tingin kay Aldrin ng magsalita ito. Tatlong oras na silang nagpa-practice at mula pa kanina ay nagkakamali pa siya. Kung kailan malapit na ang contest ay saka naman siya nagkakamali. Nagsalubong ang mga tingin nila nina Aldrin at Rey, nagpaalam ang mga ito na sila na lang ang bibili ng meryenda. Magaan at may pag-aalala ang mga ngiti nito sa kanya. Sinikap niyang ngumiti rin sa mga ito, katulad ng ngiti na pinapaskil niya sa kanyang labi sa publiko. Kanina pa siya tinatanong ng mga ito kung okay ba siya, at sinigurado niyang maayos siya, napagod lang ang tanging katwiran. Hindi na rin siya pumayag na i-cancel ang araw na ito para mag-practice sila. Gusto niyang ma-okupa ang isip sa ibang bagay ngunit hindi naman maalis ang nararamdaman niya kaya mas sinikap niya na lang na gawin ang trabaho niya.

Lumapit sa kanya si Kara at inabutan siya ng tubig. May pag-aalala sa mga mata nito kaya nginitian niya ito.

      "Anong mukhang 'yan?" Pang-aasar niya rito.

Inirapan lang siya nito kaya napangiti siya. Humalukipkip si Kara at tumabi sa kanya. Hindi maalis ang mga tingin nito sa kanya na parang sinusuri siya. Hindi niya tuloy maiwasang mailang habang umiinom ng tubig.

     "Kung makatingin ka naman para kang imbestigador." Tumawa pa siya at binaba ang tubig.

Ngumuso si Kara.

     "Anong nangyari?"maingat na tanong nito sa kanya.

Naguguluhan niyang tiningnan ito. Gets niya ang sinasabi nito pero ayaw niyang sagutin ito.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now