Chapter Twenty-Three

11 0 0
                                    

     "Nagpapatawa ka ba? Bakit mo naman ako i-invite sa bahay n'yo?"

May parte kay Avyanna na natutuwa siya dahil nagawa nitong imbitahan siya sa celebration ng pamilya nito. Kinakabahan at nagtataka rin siya sa sinabi nito dahil hindi naman niya gaanong nakakasama at nakaka-usap ang mga kapatid nito, lalong-lalo na ang magulang nito.

Nag-iwas ng tingin sa kanya si Kier at bumuga muna ng hangin bago siya tingnan.

     "Gusto kang makilala ng parents ko." Nanlaki ang mga mata niya. "Si Kuya Jacob kasi eh! Masyado siyang madaldal at nakwento na nagbabanda ka, my parents amused. Lalo na si mama kaya gusto ka nilang makilala."

Bumagsak ang tuwa sa puso ni Avyanna ng malaman ang dahilan nito. So it's his parents' decision after all.

Binasa niya ang labi at dahan-dahang tumango. Tina-tap pa nito ang mesa.

     "Ah gano'n ba?" Tumawa siya ng mahina. "Ang daldal naman pala ni Kuya Jacob. Pero hindi ba nakakahiya?"

Bigla tuloy siyang na-pressure na makilala ang magulang ni Kier. Sa napansin kasi niya sa magkakapatid na Dela Cruz ay may iba-iba itong pag-uugali. Hindi niya man lang makita ang pagkakapareha sa mga ito kaya hindi niya alam kung ano ba ang mga ugali nito.

Mabait ba ito? Makulit? Tahimik? Seryoso?

Hindi niya namalayan na ang sarili niya ay kagat na ang labi. Nagising lang ang diwa niya sa mahinang tawa ng katabi niya. Nakangiti ito sa kanya at aliw na aliw siyang pinapanood.

Inirapan niya ito at nginusuan.

     "Don't worry about my parents, they will like you."

Tumaas ang kilay niya.

     "Paano mo nasabi?"

Nagkibit-balikat si Kier.

     "Hindi sila basta-bastang nagpapasama sa special day or any celebration sa aming magkakapatid kung hindi nila magugustuhan."

Pansin ni Avyanna ang pamumula ng leeg ni Kier. Tinikom niya ang bibig para hindi makangiti.

     "O... kay."

Tumikhim si Kier at binalingan siya.

     "So you're in."

Napaisip si Avyanna. Hindi pa ba siya nito pipilitin?

     "Ayos lang naman sa 'yo di ba?"

     "Of course," mabilis nitong sagot.

Nakagat niya ang labi ngunit hindi na rin mapigilang mapangiti. Sa huli ay natawa na lamang siya sa inakto.

     "Okay. Ahm, magdadala na lang ako ng maja. Ambag."

Natawa si Kier.

     "Relax. They won't bite you."

Napalabi siya ngunit sa huli ay natawa.

     "Ang lamig ng kamay mo," ani Kier ng hawakan nito ang kamay niya.

Nasa kotse sila nito at papunta sa bahay ng magulang nito. Nasa back seat ang bagong gawa niyang maja na pinag-effortan niya talaga simula ng malamang aatend siya sa New Year's celebration ng pamilya nito. Isinantabi niya ang inggit sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya ni Kier sa Bagong Taon.

     "Mainit lang talaga 'yang kamay mo," pamimilosopo niya.

Tumawa si Kier at napapailing.

Napapansin niyang madalas ng tumawa at ngumiti si Kier sa t'wing magkasama sila. Hindi niya alam kung paanong natibag ang pader ng pagiging tahimik at walang ngiti nito. Ayaw niyang mag-assume na siya ang dahilan, baka masaktan pa siya. Pero masaya siya na nakikitang masaya at ngumingiti na ito sa kanya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon