Chapter Four

16 0 0
                                    

NAG-IINUMAN sina Kier at Nicco sa mismong bahay nito. Dinalaw siya nito at may dalang ilang alak at dito dumiretso bago umuwi sa pad nito. Sakto namang kakauwi niya lang kaya pinayagan niya na ring dumaan ito sa bahay niya. Kaibigan at kababata niya si Nicco at magkalapit lang ang village nila noong bata pa sila, at ang binata ang kasa-kasama niya mula pa man noon.

     "May balita na ba, Nicco?" tanong niya rito, tinungga niya ang Bira Light can beer.

Sumandal si Nicco sa upuan.

     "Wala pa. Hanggang ngayon ay tinatrabaho pa namin ang kaso ni Sandra." Umiling si Nicco at tumingin sa kanya.

Hinilot ni Kier ang kanyang sentido sa narinig. Dalawang taon na ang lumipas simula nang namatay ang fiancé niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nabibigyan ng hustisya. Tandang-tanda niya pa ang nasaksihang walang-buhay na dalaga.

Natagpuan itong naliligo sa sarili nitong dugo sa banyo. Noong una ay may nagsasabing nagpakamatay ito pero noong lumabas ang autopsy nito, natagpuang may limang saksak ito sa iba't-ibang parte ng katawan at may mga pasa rin ito sa leeg, binti, at likod. Murder ang nangyari rito. Walang fingerprints ang naiwan at mga gamit sa pagpatay. Nasa maayos ang mga gamit noong dumating siya sa bahay nito at ang tanging motibo ay patayin ang nobya. Ang ilang pasa nito ay tanda na nanlaban ang dalaga.

Kinuyom ni Kier ang kanyang kamao ng maalala ang namatay na nobya, at ang taong sinisisi niya sa pagkawala nito.

     "Si Romulado Ventura... hindi ako naniniwalang hindi siya ang may pakana ito. Siya ang palaging bukambibig noon ni Sandra."

Isang nurse si Sandra at minsang naging pasyente sa pinagtatrabahuang hospital ang businessman na si Romualdo Ventura. Madalas itong nakakatanggap ng regalo ang dating fiancé matapos ma-discharge ang lalaki.

Katulad ni Romualdo, naging pasyente ni Sandra si Kier noong sinugod ito sa hospital matapos ang ekwentro nito sa pagre-raid sa illegal buisness ng isang notorious drug lord. Ang dalaga ang gumamot kay Kier. Kier fell in love at her for the first time he laid his eyes to her.

May pagkasuplada at masungit si Sandra noong in-approach niya ito matapos ang insidente pero hindi nagpatinag si Kier, palagi niya itong pinupuntahan at direktang sinabing liligawan ito. Makalipas ang anim na buwan, naging sila. Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ni Kier. Isang taon ay nag-propose na siya rito dahil ayaw niya ng patagalin pa ang relasyon na mayroon sila kaya nag-propose na siya kaagad. Luckily, Sandra says yes.

     "Kay Ventura na naman ba galing 'yan?" tanong ni Kier sa fiancé.

Sinundo niya ito sa duty at saktong katatapos lang din ng oras ng trabaho ng lalaki.

     "Oo. Appreciation niya raw sa ginawa ko sa kanya."

Umismid si Kier at matalim na tiningnan ang bulaklak. Dalawang beses na niyang nalalamang nakakatanggap si Sandra sa matandang negosyante.

     "Hindi ba siya makakaintinding na-appreciate mo ang ginawa niya, Sandra? Noong una, pinalampas ko pa, pero ngayon? Anong pinapalabas niya? At nagpadala pa siya ng pagkain sa ospital di ba? Ano 'yon, na-appreciate niya naman ang ospital n'yo?" sarkastikong sabi ni Kier.

May inis at yamot na rin sa mukha ni Sandra habang pinapakinggan ang rant ni Kier.

     "Kier naman! Bakit ba napaka-insensitive mo? Anong gusto mong gawin ko? Ipagtabuyan 'yong tao? Itapon ang mga binibigay niya? Nagmamagandang-loob lang siya sa akin!" Hinilot nito ang sentido. "Don't act like a kid, Kier."

Matanda ng tatlong taon sa kanya si Sandra pero hindi ibig sabihin no'n ay palaging nasa punto ito.

May pagtitimping tumingin si Kier sa nobya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now