Chapter Twenty-Five

11 0 0
                                    

MABILIS na tumulin ang mga araw para kay Avyanna. Nabibilang niya ang mga linggo at mga araw sa nalalapit niyang graduation. Hindi lang siya ang excited dahil pati ang Kuya Darren niya ay isa sa excited na makita siyang magtapos. Maaga na siyang binilhan ng dress na masusuot niya.

     "Grabe Kuya! Ang ganda!" excited niyang sabi ng mahawakan ang pinatahi pa nitong white bodycon midi dress.

Kuya Darren chuckled.

     "Alam kong magugustuhan mo 'yan. Naalala ko noong nasa third year college ka pa lang may nadaanan tayong boutique shop at ganyang klaseng design kaso itim ang kulay. You want that kind of graduation dress pero dapat puti."

Napangiti siya ng malawak at yinakap ang kapatid.

     "Thank you, Kuya D! Hindi ko akalaing maalala mo pa pala 'yon!" Naluluha niyang sabi.

Ginulo nito ang buhok niya.

     "Of course! Nakatatak na 'yan sa utak ko mula no'ng sinabi mo 'yon. Buti na lang at tinapos mo ang pag-aaral mo."

Napalabi siya sa pagbibiro nito.

     "Grabe siya! Parang sinasabi mong hindi ko matatapos ang Pharamacy na course!" Umismid siya rito.

Tumaas ang sulok ng labi nito pati na ang kilay.

     "Wala akong sinasabing ganyan," mapaglaro nitong sabi.

Inakbayan siya nito.

     "Proud ako sa 'yo, bunso. Don't worry, papanoorin kita sa araw na 'yon."

     "Dapat lang! Kung hindi, magtatampo ako sa 'yo."

Alam niya namang hindi ito basta-bastang magiging guardian niya sa araw na iyon. Dahil na rin sa ama nila pero ayos na iyon kay Avyanna dahil ang mahalaga naroon ito sa espesyal na araw niya.

     "Ang ganda ng graduation dress mo, Avy! Hindi ka naman excited n'yan?" pang-aasar ni Kara sa kanya.

Minsan na kasing nakita nito ang regalo sa kanya ng kuya niya nang pumunta ito sa bahay nila at nasa higaan niya pa lamang iyon. Kakaalis lang ng kuya niya noong dumating si Kara sa bahay niya.

Nagkita-kita sila sa Afternoon Café ngayong weekend hindi para mag-perform kung hindi para maging customer ngayong araw. Ngayon na lang ulit sila nagkita-kita dahil naging busy sila sa pag-aaply ng trabaho sa iba't-ibang kompanya habang naghihintay ng graduation at magre-review for board exam.

     "Regalo lang sa akin 'yon," aniya at pasimpleng sinilip si Kier sa tabi niya.

     "Sino? 'Yong sabi mong malayo mong kamag-anak sa abroad?" tanong ni Aldrin.

Tumango siya.

     "Naks! Sana lahat may sponsor," pagpaparinig ni Rey na tinawanan lang nila.

     "May malayo ka palang kamag-anak," ani Kier ng silang dalawa na lamang.

Nasa Sunken Garden sila at naka-upo sa may lilim ng puno. Pareho silang kumakain ng Shawarma. Dapit-hapon na rin at gusto ni Avyanna na panooorin ang paglubog ng araw. Sinamahan siya ni Kier kaya hinayaan niya na lang. Ngayon na lang din naman sila nagkita at nagkasama.

Alam niya ay busy ito sa trabaho at may kinakasang entrapment operation na isa sa magle-lead.

     "Ah, oo. Hindi ko ba nabanggit sa 'yo 'yon?"

Umiling si Kier. Napangiti siya. Hindi niya alam kung kailan niya pa matatago ang isang parte ng pagkatao niya.

Nagi-guilty na rin siya kay Kier sa t'wing tinitingnan niya ito. Pakiramdam niya ay linoloko niya na rin ito.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ