Chapter Thirty

16 0 0
                                    

NAGISING si Avyanna sa tunog ng alarm clock niya. It's six thirty in the morning. Tinatamad niyang inaabot ang cellphone at pikit-matang pinatay at bumalik sa pagkahiga. Mamayang seven am na siya babangon. Since day off niya naman hindi siya gahol sa oras at sinigurado niyang every thirty minutes ay mag-aalarm ang cellphone niya.

Puyat at pagod siya. So she know she deserve a good sleep. Ilang beses rin siyang nag-overtime sa trabaho.

Exactly seven in the morning bumangon na siya and did her morning rituals. Kinuha niya ang bike niya sa bakod ng apartment at naglibot-libot muna. T'wing umaga ay kinagawian niya na ang mag-bike sa lugar nila dahil isa na rin niyang exercise iyon. Simula noong nagkaroon siya ng physical therapy ay kinagawian niya na ring gawin ito lalo na noong nagsisimula na siyang magtrabaho.

She wears black tank top bra and leggings. She ponytail her hair plug her headphone and drive smoothly to their neighbourhood. Bumalik siya sa loob ng bahay matapos ang dalawampung minuto at nakita niyang paubos na rin ang stock.

Linista niya muna ang mga dapat bibilhin. Funny. Naalala niya noon na sobrang dami niyang binibiling pagkain at maraming stock na binibili kahit mag-isa lang naman siya pero ngayon limitado na lamang ang binibili niya. Ang mga pagkaing gusto niya lang kainin at ang mga cravings niya. Syempre kumuha rin siya ng lollipop at ilang branded chocolates at snacks na palagi niyang pinapapak t'wing nasa bahay siya o kaya dinadala niya sa trabaho para may mapapapak siya. Madalas rin kasi siyang kumakain sa labas kaya hindi niya rin kailangang mag-stock ng sobrang dami sa apartment niya.

Mag-isa na lang din siyang nakatira sa apartment niya na sinadya niya. Two years ago noong bumalik sa Pilipinas ang Kuya Darren niya para personal ng pamahalaan ang negosyong naiwan ng kanilang ama. Humupa na rin naman ang eskandalong iniwan ni Mr. Ventura at nasa maayos na siyang kalagayan kaya panatag na siyang iwanan nito mag-isa. Ayaw niya namang tumira sa bahay nito sa Canada dahil pakiramdam niyang ang creepy dahil sa sobrang laki at siya lang o kaya ang i-aasign na kasama niya ang naroroon. Also she's not comfortable with big houses and she's alone or she don't know the people she's been with.

During her day offs ang madalas niyang gawin ay matulog o manood ng mga movies or TV series like action genre. Hindi siya gaanong mahilig sa romance dahil ang katwiran niya ay wala namang romansa ang buhay niya. It is filled with actions and thrills. Isa pa nababaduyan siya.

     "Avy!"

Bumaling si Avyanna sa taong tumawag sa kanya sa parking lot. Sasakay pa lamang siya ng makita si Andrei, isa sa mga nurse sa tinatrabahuang ospital. He is also Filipino at matanda lang sa kanya ng dalawang taon. He was her former suitor. Former dahil hindi niya naman sinasagot at wala pa siyang balak noon. She was in the phase of healing, discovery, and recovery. Andrei is funny, kind and gentle man. Naintindihan nitong hindi pa siya handa at hinayaan at sinamahan siya nito sa healing and recovery phase niya. Aaminin niyang na kay Andrei na ang mga katangian niya sa lalaki na gusto niya pero ayaw niya namang gamitin ito kung hindi pa talaga siya handa. Ayaw niyang gamitin si Andrei para sabihing maayos na siya.

Nginitian niya ito ng matamis. Napansin niya ring may hawak din itong dalawang eco bags.

     "Andrei! Nag-grocery ka rin pala huh!"

Kumibit-balikat ito.

     "Ubos na ang stock eh ayokong magpagutom kaya bumili na ako." Nagkamot ito sa batok. "Ikaw rin naman at mukhang kaunti lang ang binili mo ngayon."

Tiningnan niya ang dalawang eco bags na hawak.

     "Oo eh. Sayang kasi kung sobra-sobra. Nakakatamad nga lang pero no choice."

Nagkatawanan sila. Pareho silang nagkakaintindihan dahil pareho lang silang mag-isang nakatira sa sari-sariling apartment. Malayo nga lang ito sa kanya.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum