Chapter Thirty-Three

17 1 0
                                    

SHE'S VISITING THE SITE. Dalawang buwan na rin simula ng magsimula ang konstruksyon ng pinapatayo niya. Natapos niya na rin ang mga legal papers na kinakilangan para sa buissness niya. She's very hands on in her business mula sa mga materyales na gagamitin hanggang sa unti-unting pagbubuo nito. Nakausap niya na rin ang kapatid niya na maging distributor niya ng mga ibebentang gamot. Sigurado naman siyang legal at maayos ang mga gamot na dini-distribute ng kompanya ng kapatid niya dahil maging siya ay saksi roon. Hinahati niya ang oras niya sa bilang pharmacist sa kompanya ng kapatid niya at sa pagpapatayo ng pharamacy durg store.

Kausap niya si Architect Jiro ng mabaling ang atensyon niya sa papasok na si Engr. Mendez kasama ang taong hindi niya inaasahan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang lalaking kasama nito at kausap.

     "Tang*na," bulong niya ng magtama ang kanilang mga mata at ang magaling na lalaki ay kinindatan pa siya!

     "Ah, Ms. Marquez, may problema ba?"

Binaling niya ang atensyon kay Architect Jiro na nagtatakang tumingin sa kanya at mukhang narinig pa ang malutong niyang pagmumura. Inirapan niya muna si Kier na ngayon ay nakangisi pa habang ang mga mata ay sa kanya habang kausap si Engr. Mendez.

Tumikhim siya at hinawi sa likod ng tenga ang buhok bago istriktang tumingin sa arkitekto.

    "I'm fine. Ano nga pala ang sinasabi mo?"

Nagtiim-bagang pa siya ng makita ang mariing pagtingin sa kanya ni Kier. Nawala na ang ngiti nito sa labi. Pinipilit niyang ibalik ang atensyon kay Architect Jiro habang nagpapaliwanag ito.

Sa dinami-rami ng pwedeng ibigay ng kapatid niyang engineer ay doon pa talaga sa may kinalaman kay Kier? Nag-background check naman siya bakit wala siyang nakitang 'Kier Dela Cruz' na related dito? It's pretty obvious na talagang magkakilala ang dalawa.

     "Ms. Marquez."

Tumaas ang kilay niya at humalikipkip siya ng nasa harap talaga niya sina Engr. Mendez pati si ang magaling na lalaking si Kier.

    "Good morning, Avyanna."

Masamang tingin ang pinukol niya kay Kier na talagang binati pa siya. Ang ganda pa ng ngiti nito sa labi habang nakatingin sa kanya. Ngayon niya lang napansin na may dala pala itong ilang plastic bags.

Tumango na lang siya rito at binaling si Engr. Mendez.

     "Oh, magkakilala pala kayo, Kier? I don't know," ani Engr. Mendez at palipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa. Ganoon din si Architect Jiro at nagtataka pang tumingin sa kanilang dalawa.

     "No."

     "Oo naman," nakangising sagot pa ni Kier.

Tinaasan niya ito ng kilay.

    "Excuse me! Hindi nga kita kilala," masungit niyang sambit.

Ngumisi lang sa kanya si Kier.

      "Pero kilala kita. Pati nito." Tinuro pa nito ang dibdib nito kung saan naroroon ang puso nito.

Uminit ang pisngi ni Avyanna sa narinig habang ang mga kasamahan ay nauubo pa.

     "Ewan ko sa 'yo! You should not be here. Ang pagkakaalam ko construction site 'to, hindi police station," masungit niyang sambit. Bumaling siya kay Engr. Mendez. "And you, hindi naman oras ngayon ng tsismisan o get together kaya dapat hindi ka nagpapapunta rito ng kung sinu-sino," istrikta niyang sambit kay Engr. Mendez na tumango na lamang.

Naiinis siya sa naging reaksyon niya sa sinabi ni Kier. She should not be affected on his lies. Hindi na siya dalagita at dalagang walang kamuwang-muwang para maapektuhan pa sa mga sinasabi nito at ginagawa.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon