Chapter Thirty-Four

11 0 0
                                    

MASAKIT ang ulo ni Avyanna ng bumangon siya sa higaan. Napapikit na lamang siya ng mariin habang nakasubsob ang mukha sa kanyang unan. Hindi rin nag-alarm ang kanyang cellphone kaya sa tingin niya maaga pa rin. Pinilit niyang tumayo at inumpisahan ng ayusin ang kanyang sarili. Naligo na rin siya kaagad at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.

Nagtataka siya ng marinig ang munting kaluskos sa kanyang kusina.

Dumating kaya ang Kuya Darren niya? Pero himala naman yata dahil hindi naman ito nagagawi ng walang permiso niya. Masyadong busy ang kapatid niya para dumaan sa condo niya ng ganito kaaga.

Nagpatuloy siyang pumunta ng kusina ng makita ang isang bulto ng lalaking busy sa pagluluto. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis naman ang paghampas sa dibdib niya. Pagkagulat ang namutawi sa kanya ng makita ang lalaki. Ito ba ang naghatid sa kanya pauwi? Sinabunutan niya ang sarili ng maalala ang kagagah*n niya kahapon.

Hindi maaari!

     "Anong gingawa mo rito?" nagpipigil na inis niya para makuha ang atensyon nito.

Kanina pa siya nakatayo pero bakit hindi man lamang nito mapansin ang presensya niya?

Matalim na tingin ang binigay niya rito habang ang binata naman ay may magandang ngiti pa sa labi nito ng binalingan ang atensyon sa kanya. Himalang hindi magulo ang buhok nito at pansin niyang iba na ang kulay ng damit nito at simpleng tee shirt na blue ang suot nito.

Binaba nito ang hawak na bowl ng sopas at binaba sa table niya. Parang wala itong pakialam na nahuli na niya ito. Marami ring nakahandang pagkain sa mesa tulad ng tocino, hotdog, fried rice, at mainit-init pa na gatas.

Umismid siya. Pinakialam naman nito ang grocery niya!

     "Again, anong ginagawa mo rito? Alam mo bang tressp-"

     "Good morning din, Avyanna. I made you a breakfast. Alam kong may hangover ka pa kahapon. May gamot na rin akong hinanda dahil alam kong masakit ang ulo mo."
Umiwas siya ng tingin dahil bigla niyang naalala ang nakaraan. Ganitong ganito iyon noon eh! Sa t'wing nakakainom siya ay ito ang nag-aalaga sa kanya.

     "Hindi ko natansta na maaga kang gigising. I thought you were sl-"

     "Paano ka nakapasok dito? Ikaw ba ang naghatid sa akin pauwi?" Humalukipkip siya at sinandal ang sarili sa pader.

Mariin itong tumingin sa kanya bago tumango. Kinuyom niya ang kanyang kamao.

     "Leave," malamig niyang sambit.

     "Uuwi ako kung kailan ko gusto. May mga paa ako kaya hindi mo ako kailangang pagtulakan."

Bumukas ang kanyang labi at muling tinikom ng makita ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

Dang! May gusto ba itong ipahiwatig? Bakit kailangan niyang bumalik sa nakaraan?

Linibot niya ang tingin sa kabahayan kung may nasira man lang dahil hindi niya alam kung umaalis ba ito noong hinatid siya at makapal lang ang mukha na bumalik. Nakahinga naman siya ng maluwag ng mapansing maayos naman ang bahay. Mas malinis at maayos nga lang ngayon. Hindi naman ganito kaayos at kalinis noong umalis siya.

Tumikhim si Kier kaya nabaling ang atensyon niya rito.

     "Wala akong nasira sa condo mo. Dito ako natulog kaya siguradong walang masisirang gamit."

Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na hinarang ang dalawang kamay sa kanyang katawan.

Ang damit niya kahapon ay katulad lang naman kahapon. Hindi rin naman masakit ang katawan niya kaya....

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon