Chapter Twenty-Nine

14 0 0
                                    

APAT NA TAON na rin ang lumipas matapos umalis ni Avyanna sa Pilipinas. Mag-isa lamang siyang naninirahan sa Canada na siya mismo ang pumili. Malayo sa tinitirhang bahay na pagmamay-ari ng Kuya Darren niya dahil gusto niyang lumayo sa klase ng pamumuhay at ang mga taong nakakasalamuha nito.

She avoid people who are associated with her father and her brother. Ayaw niya ng maulit pa ang aksidenteng nangyari sa kanya apat na taong nakalipas...

She was driving home late in the evening. Hindi na siya nagpasundo pa sa kapatid niya dahil nag-grocery lamang siya sandali dahil may gusto siyang lutuin at wala ang ilang ingridients sa bahay nito. Inabisuhan niya ang ilang gwardya na lalabas lamang siya saglit at pinilit na huwag na lamang sasama. Malapit lang naman at gusto niyang mas makabisado pa ang Toronto. Nagpaalam ang mga guards sa Kuya Darren niya at pinayagan siya. She knew she was safe that day. Sinugardo iyon ng kapatid niya.

Unfortunately, bigla na lamang bumuhos ang ulan habang papasok siya sa kanyang kotse. Sandali siyang natigilan at tumingin sa kaliwa niya ng marinig ang pag-click ng camera. Inilingan niya iyon at kaagad na pumasok ng sasakyan. Nguunit habang tumatagal napansin niyang may sasakyang sumusunod sa kanya. Noong una akala niya guni-guni niya lamang iyon ngunit nang subukan niyang iliko sa ibang kalye ay nakasunod pa rin ito. She's scared and afraid to her life. Tatlong buwan pa lamang naman ang tinatagal niya rito sa Canada pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang isyu tungkol sa kanya. May isang paparazzi pa lang nagkuha ng camera noong araw na umalis sila ng kapatid niya pati ang minsang pagglalabas ng bahay ng kapatid niya sa Canada.

Nanginginig ang kanyang kamay habang kinukuha ang cellphone sa bag. She's afraid someone will caught her and spread her face in the news. Ayaw niya ng makaladkad pa sa publiko ang pagkatao niya. She wants a normal and peaceful life. Iyon nga ang dahilan kung bakit sila lumipad paalis ng bansa.

     " Tang*ina!" mahinang usal niya ng mahulog ang cellphone sa sahig.

She glimpse in the mirror and she saw how the car driving fast at her. Mas pinabilis niya ang kanyang pamamaneho. Hindi niya na napansin pa na madulas ang daan habang mabilis siyang magmaneho. Naririnig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone. It must be her brother!

She try to get her phone while driving fast. Habang ang atensyon niya ay nahahati hindi niya napansin na gumegewang na ang paraan ng pamamaneho niya dahil na rin sa madulas na daan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapansing tatama ang kanyang sinasakyan sa isang poste. Pinilit niyang kontrolin ang sasakyan ngunit hindi niya ito nakokontrol dahil na rin sa takot at pagkataranta. Napapikit siya ng tumama ang kanyang sinasakyan sa poste at yumuko siya habang naririnig ang pagbasag ng kanyang wind shield. Napadaing siya ng daplisan ang kamay niya ng ginamit niya iyong paghararang. Pinilit niyang lumabas ng sasakyan at hindi alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nahirapan pa siyang makalabas dahil naipit ang kanyang kanang paa. Napaiyak na lamang siya habang mabilis ngunit may pag-iingat na hinatak ang paa sa kanyang papataob na sasakyan. Walang gaanong sasakyan ang dumaraan kaya mahihirapan siyang makakuha ng tulong. Hindi na rin niya alintana ang sinumang sumusunod sa kanya.

Napangiwi siya ng makita ang pagdurugo sa kanyang kamay pati ang kanyang noo ay may gasgas at kaunting pamumuo ng dugo. Kahit nahihilo ay pinilit niyang tumakbo at lumabas ng sasakyan ng matagumpayan niyang mahila ang kanang paa ngunit habang tumatakbo ay hindi niya na nakaya pa ang nararamdamang pagkahilo, pinilit man niyang labanan. She was lying unconcious on the road with heavy rains.

She was comatose for five months. Maraming dugo ang nawala sa kanya at ang mga sugat at kaunting pasa sa kanyang katawan ay kapansin-pansin. Nagising na lamang siya na nasa isang apartment kasama ang kanyang kapatid maging ang kanyang mga doktor at nurses. She meet Eliana- the woman saw her unconscious in the street and help her to bring in hospital. Gamit ang kanyang cellphone ito na mismo ang tumawag sa kapatid niya sa naging kalagayan niya.Nakita nito ang cellphone niya ng mapanin nito ang patuloy na pag-ring. She's unable to move her hands and feet. Pakiramdam niya ay namanhid at nanigas ang buong kalamnan niya sa matagal na pagkaratay. She take physical therapy session until she can move and walk. Mabuti na lamang at hindi na kailangan pang maputol ang kanyang paa sa pagkadagan ng sasakyan.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon