Chapter Eleven

11 0 0
                                    

KAHIT ALAS-ONSE na ng gabi at tanging ang pag-ihip ng malamig na hangin, ang liwanag mula sa buwan at ilang lamp post malinaw pa rin nilang nakikita ang isa't-isa. Walang ni isang gustong magsalita. Parang may humihila kay Avyanna na titigan at kabisaduhin ang hitsura nito. Bakit parang mas gwumapo ito? Kahit tinutubuan pa ito ng balbas, gwapo pa rin. Mas dumadagdag sa kgwapuhan nito ngayong gabi.

Bumalik ang ulirat ni Avyanna ng marinig ang pagtikhim ni Kier. May maliit na ngisi rin ito sa labi.

     "So wala kang balak na umuwi?"

Tumikhim siya.

     "Uuwi na nga kasi ako. Sige na, bye na. Nice seeing you again."

Naglakad na siya paalis ng hinigit ni Kier ang kanyang braso. Tinaas niya ang kilay at tumingin dito.

     "Bakit?"

     "Stay. I mean can you stay?"

Natigilan si Avyanna at nagbukas-sara ang kanyang bibig.

     "Bakit?" Tumikhim siya. Binitawan na nito ang braso niya. "I mean akala ko ba gabi na? Bakit gusto mo pa akong mag-stay?"

Nag-iwas ng tingin si Kier at muling ginulo ang buhok. Nakasunod lang si Avyanna sa ginagawa nito. Hindi niya maintindihan ito. Isang buwan lang silang hindi nagkita pero bakit mas nawe-werduhan siya rito?

      "Sorry. You can go home now."

Inisang linya niya ang kanyang labi at tumikhim dito.

     "Pwede mo ba akong samahan? Nagugutom kasi ako eh. Lollipop lang kasi ang kinain ko." Tumawa pa siya.

Nagbukas ang labi ni Kier at gulat siyang tiningnan. Umangat ang gilid ng labi nito. Nag-init ang pisngi niya kaya nagdagdag siya ng sasabihin.

     "Kung gusto mo lang naman. Kung ayaw mo, okay lang."

     "Sasamahan kita. Saan ba?"

Nag-iwas siya ng tingin at pinigilang ngumiti. Ang bilis kasing sumagot!

     "Akala ko ang paborito mo lollipop, Shawarma pala," ani Kier habang kumakain ng binili nilang Shawarma.

Bumalik sila sa Sunken Garden at bumalik sa pwesto kanina ni Avyanna. Mabuti na lang at may bukas pang nagbebenta ng Shawarma kaya nakabili pa sila. Dumaan lang sila sa mini-grocery para bumili ng maiinom. Napangiti siya ng makita ang biniling 'Chuckie' ni Kier.

      "Lollipop pa rin naman kaso hindi naman nakakabusog. Ikaw? Carbonarra?"

Iyon kasi ang nakita niya noong inorder nito noon. Bumaling ito sa kanya habang kagat-kagat ang straw ng Chuckie.

     "No. Shawarma rin ang paborito ko."

Hindi makapaniwalang tiningnan ito ni Avyanna. Humalukipkip pa.

     "Weh? Kaya pala carbonara inorder mo noon," pagpaparinig niya.

Umangat ang gilid ng labi nito at pinunasan ang sauce sa gilid ng labi, sinubo sa bibig.

     "Belive it or not, Shawarma ang paborito ko. Hindi nga lang halata lalo na noong nakita mo ako na kumakain ng carbonarra." Mahinang natawa pa ito.

Lumabi si Avyanna.

     "Sige, kunwari naniniwala ako."

Natawa lang si Kier at ininom ang Chuckie nito.

     "By the way, thank you pala sa Carbonara na binigay mo noon."

Ngumisi si Avyanna.

     "Ang tagal na no'n ah."

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now