Chapter Nineteen

12 0 0
                                    

MAGKAHAWAK ang kanilang kamay habang pabalik sa tent ng kanilang banda. Hinayaan niyang tangayin siya pabalik ni Kier pero hindi niya maikailang nasorpresa siya ng pinaghugpo ni Kier ang kanilang mga kamay. Hindi niya inaasahan na ang binata pa mismo ang naging dahilan kung bakit magkakonekta ang kanilang mga kamay, aaminin ni Avyanna na nakaramdam siya ngayon na mas lumakas pa ang tibok ng kanyang dibdib dahil sa ginawa nito. Ayaw niya ng pansinin at tingin ang magkahawak nilang mga kamay dahil ang mainit na palad ni Kier ang nagdadagdag ng pagka-init ng kanyang pisngi.

    "Woah! Magkasabay pa kayo ah!" Nakangising bati ni Kuya Jacob ng makarating sila.

Natilihan si Avyanna lalo na hindi niya inaasahang nandirito ang tatlong kapatid ni Kier! Nakatingin ito sa kanilang dalawa at pababa sa kamay nilang magkahugpo. Nag-init ang pisngi ni Avyanna at bibitaw na sana ngunit mas hinigpitan naman ni Kier ang paghawak sa kanya.

Tiningnan niya si Kier at pasimpleng pinalakihan ng mata pero hindi naman siya pinapansin nito at tanging sa mga kapatid lang nakatingin, walang emosyon ang itim na mga mata. Ginaya na lamang iyon ni Avyanna dahil halata namang hindi naaapektuhan si Kier sa harap ng mga kapatid.

Pero siya? Mas gusto niya na lang magpalamon sa lupa! Hindi naman sila mag-jowa, ba't may pag-holding hands?

Tumikhim si Kier habang sina Kuya Jacob at Lea ay nakangisi sa kanilang dalawa samantalang nakahalukipkip si Iñigo at umiling-iling pero may ngisi sa labi.

     "Hinanap ko si Avyanna. Saan sina Aldrin at Kara?"

Ngumuso si Kuya Jacob at kinindatan siya.

      "Kuya Jacob nasaan sila? Nakarating na ba si Rey?" may inis na sambit ni Kier habang matalim na nakatingin kay Kuya Jacob.

Tinaasan ng kilay ni Avyanna si Kier sa inakto nito sa kapatid habang si Kuya Jacob ay maligayang natawa.

    "Galit na galit?" pang-aasar pa ni Kuya Jacob kay Kier.

Tumiim-bagang si Kier at masama pa rin ang tingin sa kuya. Tinaas na ni Kuya Jacob ang dalawang kamay sa ere dahil sa tingin palang ni Kier ay galit na galit na ito. Ang dalawa namang Dela Cruz ay napapailing na lang. Sanay na sanay sa initan ng ulo ng dalawang lalaki.

    "Avy! Saan ka ba galing?"

Lumabas ng tent sina Kara at Aldrin na may lungkot at dismayado ang buong mukha. Namumula na rin ang mga mata ni Kara at anumang oras ay iiyak na. Kaagad na lumapit si Avyanna at yinakap ang kaibigan.

     "Sa tabi-tabi lang, nagpapahangin."

     "Hindi na talaga siya dumating. Inindian niya na tayo, mare!"

Yumakap ng mahigpit si Kara sa kanya at siniksik ang mukha sa balikat niya. Tinatago nito ang mukha sa maraming tao. Ramdam niya ang lungkot sa tinig ni Kara, pumiyok pa ang boses nito. Maging si Avyanna rin ay pareho rin ng nararamdaman sa mga kaibigan.

Nakakahina ng katawan ang malamang hindi na talaga makakarating si Rey. Importante pa naman ang part niya sa piyesa nila ngayon sa 'Battle of the Bands'.

Nakakahinayang lang din dahil pinaghirapan nilang mag-practice at gumawa ng version ng kantang iko-cover nila. Halos pinagsasabay na nga nila ang pagpa-practice, ang gig, at ang pag-aaral nila dahilan para wala na silang halos oras na magpahinga pero sa nangyayari sa kanila ngayon, nasayang lang ang lahat.

They are disqualified.

      "Bubugbugin ko talaga si Rey kapag nagkita kami. Siguraduhin niya lang 'yong dahilan niya validated! Dahil kung hindi, mas doble pa sa doble ang pagbubugbog ko sa kanya," maktol ni Kara.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon