Chapter Two

31 1 0
                                    

MABILIS na hinanda ni Avyanna ang kanyang sarili ng makarating siya sa loob ng 'Afternoon Café' kung saan ang kanyang banda na 'Daydream' nagpe-perform ngayong gabi. Late na kasi siyang nagising dahil napasarap ang tulog niya sa bahay at ang panonood ng anime kaya alas-singko na ng umaga siya natulog. Matapos kasi ang gig niya kahapon ay pinagpasyahan niyang libangin ang sarili.

     "Hoy! Laki ng eyebags ah! Puyat na puyat!" pang-aasar sa kanya ng ka-banda at drummer nilang si Rey.

Inismiran niya lang ito at ginawang head band ang bandana na palagi niyang ginagawa. Ngnisihan siya nito at inabutan ng Coke in can.

     "Libre ba 'to?"

Inismiran siya ni Rey at tumabi sa kanya, humalukipkip.

     "Ano ka chicks? May bayad 'yan." May ngisi sa labi nito.

Tinungga ni Avyanna ang coke pagkatapos ay hinampas ang tiyan ang kaibigan.

    "Damot!"

Tinawanan siya nito.

     "Walang libre sa panahon ngayon, Abyang! Sakto lang ang pera ko. Gentleman lang ako dahil alam kung gusto mo ito kaya kumuha na ako."

Sinubo ni Avyanna ang bagong Milkita lollipop. Inabutan niya rin ang kabanda na kaagad nitong tinanggap. Linabas niya ang wallet at inabutan ito ng bayad.

     "Sus! Oo na. Salamat, Reydriando, dahil napakabuti mong kaibigan. Sana marami ka pang matulungang kaibigang katulad ko," sarkastiko niyang sambit. Ginulo niya rin ang buhok nito na kinaisan ng lalaki. Tinawanan niya ito.

     "'Reydriando' ka d'yan! Tatay ko 'yon! Hindi ako!" inis na sabi nito.

Lumakas ang tawa ni Avyanna sa pang-aasar dito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag siyang 'Reydriando. Ang baduy daw!

     "Anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Junjun? Junior? Eh Reydriando naman talaga ang totoo mong pangalan ah!" Ngumisi pa siya.

Inirapan siya nito at tinungga na lang ang iniinom na Sprite can. Inakbyan ito ni Avyanna. Hindi naman sila nagkakalayo ng height kaya mabilis niya lang itong akbayan. 5'6 ang kaibigan habang siya ay 5'4.

     "Ang bilis mong mapikon. Hindi nga ako naaasar kapag tinatawag mong 'Abyang' kahit hindi 'yon ang pangalan ko. Pero in fairness, ang kyot! Tapos ikaw, may 'pa-Rey-Rey' ka pang nalalaman. Sige na nga, 'Rey' na. Tampurorot ka naman d'yan!"

Sinusupil niya ang ngisi sa labi at ginawang maamo at halatang sinsero ang boses. Buti na lang masyado siyang na-train sa pagiging artista sa theatre club na sinalihan niya noong high school. Pigil ang malawak na ngiti sa kanyang labi ng bumuga ng hangin ang kaibigan at tumingin sa kanya.

     "Kilalang-kilala na kita, Avyanna. Alam ko na 'yang ganyan mo. Fine! Sige na! Tinatanggap ko na 'yang pa-drama mo." Kumibit-balikat pa ito. "Ako rin naman ang mali. Fine. Basta kapag tayong dalawa lang pwede mo akong tawaging 'Reydriando."

Lumukot ang mukha ni Avyanna at humiwalay rito. Arte!

     "Akala ko pa naman mabebenta sa 'yo. Hmp! Sige, payag ako. Apat na taon na tayong magkakilala, ayaw mo pa rin ang tawag ko sa 'yo." Natawa pa siya.

Hindi siya nito pinansin at tinungga ang iniinom pagtapos ay binalingan siya.

     "Nga pala, sigurado ka ba talagang maayos na 'yang scooter mo?"

Tumango siya at tinaas-baba pa ang kilay.

     "'Wag na kayong mag-alala sa akin, okay naman na ang scooter ko. Mga minor problems lang naman pero magagamit naman na ulit. Nakarating nga ako ng walang galos at buhay pa rito. Aray!" daing niya sa dulo.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now