Chapter Twenty-Eight

14 0 0
                                    

NAKARATING MAG-ISA si Avyanna sa bahay ni Kier na hindi man lamang napapansin ng mga tauhan ng Kuya Darren niya. She easily distracted them by talking and cooking maja for them. Dahil napunta ang atensyon ng mga ito sa ibang bagay madali niyang natakasan ang mga ito.

Bumuga siya ng hangin bago sinubukang mag-doorbell ngunit inilingan niya ito at binuksan ang gate. Surprisingly hindi ito lock.

Kung ayaw makipag-usap ni Kier sa kanya siya mismo ang gagawa ng paraan para maka-usap ito. Hindi niya hahayaang may matapos na namang linggo sa katigasan ng ulo at tenga nito.

Madilim at tahimik ang bahay nito ng makapasok na siya. Mahina siyang napasinghap nang binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanya ang magulo na bahay nito. May mga bote ng alak na walang laman ang nakakakalat sa sahig habang ang ilang throw pillows ay nasa sahig.

Hindi ito ang inaasahan ni Avyanna na makita. Linibot niya ang kanyang tingin at umakyat sa kwarto nito. Hindi naka-lock ang pinto kaya mabilis siyang nakapasok roon. Binuksan niya ang ilaw at doon niya nakita ang binatang natutulog habang hawak ang bote ng alak.

     "Boss Chief," tawag pansin niya rito nang makalapit siya sa higaan nito.

Malalim na ang tulog nito at may ilang munting pawis na rin sa noo nito. Nakabukas ang dalawang butones sa itim na polo nito. Magulo na rin ang buhok nito at tinatabunan na rin ng balbas ang panga nito, malalim na rin ang eyebags sa mga mata nito.

Naaawa siyang makita ang binata. Gone the dominant and strong man he used to know.

     "Avyanna," he murmured.

Tumulo ang luha sa mga mata kasabay ng malungkot na ngiti.

May pag-asang sumibol sa puso niya na maaari pa rin siyang mapakinggan ni Kier.

     "I'm sorry, Boss Chief." He kiss his lips swiftly. She really miss him

Kinuha ni Avyanna ang bote ng alak sa binata at linapag sa sahig. Kumuha siya ng maliit na planggana at ng bimpo sa CR. Pikit-mata niyang hinubad ang polo shirt nito na puno na ng pawis. Tumayo ang balahibo niya ng marinig ang mahinang ungol nito. Mahina siyang nagmura. Pinunasan niya ang mukha nito at pinatitigan ito.

     "Gwapo ka sana kaso ang tigas ng ulo mo." Napangiti siya. "Sorry, Boss Chief. Sana pakinggan mo na ako this time. Dahil kung hindi, lintek lang ang walang ganti!" pagbibiro niya rito.

Tinapos niya na lamang ang pagpupunas ng katawan nito, hindi niya na pinalitan ang pantalon nito at hininaan na lamang ang aircon sa kwarto. Bumaba na siya para unti-unting magligpit sa bahay nito.

Nasa sahig ang larawan ng fiance nito ng mapansin niya habang binabalik sa ayos ang mga gamit nito. Muli niyang inilagay sa kinalalagyan nito ang picture.

     "I'm sorry sa ginawa ni Mr. Ventura."

Naiintindihan niya kung bakit ang pagkatao niya ang ginawang panlaban nito sa tunay niyang ama at wala siyang galit dito. She was a victim of Mr. Ventura. Biktima siya na gustong kumawala sa pagkahawak ng lalaki. She knows how she really love Kier dahil handa itong gawin ang lahat hindi lang ito mawalay sa binata.

     "Pangako, iingatan ko siya."

Nang matapos maglinis ay nagluto na rin siya ng hapunan ng binata. Nilagang baboy ang linuto niya para mainitan man lang ang sikmura ni Kier. Iyon lang din ang nakikita niyang hilaw na pagkain sa ref nito. Halos wala na ngang laman ang refrigerator nito at puro alak na lang.

Napapaisip tuloy siya kung sa loob ng dalawang linggo ay alak ang ginawang agahan, tanghalian, at hapunan nito.

     "Anong ginagawa mo rito?"

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now