Chapter Twenty

13 0 0
                                    

NATIGILAN si Avyanna at sinundan ang tingin si Kier na ngayon ay hinatid siya pauwi galing sa Afternoon Café kung saan sila nag-celebrate. Kababa pa lamang niya sa motor nito. Magkalapit lang naman sila ng tirahan kaya pumayag na rin siyang mahatid ng binata. May tiwala naman siya rito at ang mga kabanda niya kaya pinaubaya na rin siya ng mga ito sa binata.

Natigilan si Avyanna at nanlaki ang mga mata ng makita ang sasakyan ng Kuya Darren niya na nakaparada malapit sa bahay niya. Alam niyang may tao roon at kahit tinted ang sasakyan nito ramdam niya na nakatingin ito sa kanilang dalawa.

     "Kilala mo ba kung sino ang may-ari na 'yon?" Tukoy sa itim na kotse ng Kuya Darren niya.

Liningon niya si Kier na ang mga mata ay nakatutok sa itim na sasakyan. Seryoso ang tinig nito at kinikilatis kung sino nga ba ang may-ari nito at kung may tao rito.

Malakas ang pintig ng dibdib niya. Ayaw niyang magkaabutan ang dalawang lalaki ngayong gabi. Dala na rin ng ginagawang pagpapalayo sa kanya ng kapatid at ama kay Kier, masama ang kutob niya kung sakaling magkita pa ang dalawa. At kung ano 'yon ay gusto niyang malaman pero hindi sa ganitong pagkakataon.

Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ni Kier. Kahit pagod na ay nagising ang diwa niya sa presensya ng kuya.

Tumaas ang kilay ni Kier ng bumaling sa kanya. Sandali pa itong lumingon sa itim na kotse bago muling tumingin sa kanya.

     "Hindi ko alam. Baka sa kabilang bahay 'yan. Ah, 'wag mo ng masyadong intindihin, Boss Chief. Sige na, umuwi ka na, alam ko namang pagod ka na. Thank you ulit." Halos boses pagtataboy na ang tinig niya rito na sana lang ay hindi ito makahalata.

Kumunot ang noo ni Kier at nawe-werduhan siyang tiningnan. Awkward na ngiti ang pinaskil niya sa labi dahil sa kaba at takot. Nagkunwari pa siyang humikab sa harap nito.

     "Inaantok na ako, Boss Chief."

Tumingin pa sa kanya si Kier bago tumango. Halatang hindi naman sang-ayon.

     "Pumasok ka na sa loob, aalis na rin ako."

Hindi na tumutol pa si Avyanna at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Sinarado niya muna ang gate bago balingan muli si Kier at nginitian.

     "Salamat uli, Boss Chief. Hindi ko man na-anticipate na magkakaproblema, still, thank you sa pagsagip sa banda namin."

Maliit na ngiti ang sinukli ng binata.

     "You're welcome. Alam kong mahalaga sa 'yo ang competition na 'yon, luckily, marunong ako, so I help." Kumibit-balikat pa si Kier pero ang mga mata ay may kapilyuhan.

Umingos siya at umismid rito. Sinupil niya ang ngiti sa labi dahil sa pagiging 'hambog' ng binata.

     "Hangin ah! Ramdam mo ba 'yon, Boss Chief? Hindi noh? Mahangin ka rin kasi!"

Nanlaki ang mga mata ni Kier at pigil ang ngisi sa labi. Kinagat nito ang labi at napapailing. Hindi na napigilan pang matawa ni Avyanna. Alam niyang ang corny at ang weir ng banat niya pero kahit papaano ay pansamantalang nakalimutan niyang may tao lang palang nakamasid sa kanila.

     "Itawa mo 'yan. 'Wag ka ng mahiya!"

Napailing si Kier at naaliw siyang panooring manudyo.

     "Matulog ka na lang sa loob. Pagod lang 'yan. Good night, Avyanna."

Pinalobo niya ang pisngi at pabirong inirapan ang binata.

     "Sungit! Nakikipag-usap pa nga!"

Patalikod na sana siya ng biglang magsalita ang binata.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now