Chapter Twenty-Six

12 0 0
                                    

PAPASIKAT pa lamang ang araw at mag-isang binisita ni Kier ang puntod ng dating nobya. Ngayon niya na lamang ito muling nabisita matapos ang Kapasukuhan. Naging abala siya sa kanyang trabaho at sa patuloy na paghahanap ng hustisya para rito. At ngayon nga ay nararamdaman niya ng malapit niya ng mabigay ito sa dalaga.

    "Malapit na, Sandra. Malapit ko na siyang mahuli," aniya at hinaplos ang puntod nito.

Aaminin niyang nahirapan siyang tanggapin ang pagkawala nito. Hanggang ngayon patuloy pa rin siyang nangungulila para rito. Patuloy na nanghihinayang sa pamilyang nabuo na nila noon pa. Patuloy pa rin niyang hinahanap ang presensya nito sa bawat sulok ng bahay na pareho nilang tinayo na ngayon ay siya na lamang ang namamalagi.

Ngunit unti-unti ay pinipilit niyang binubuo ang sarili. Paunti-unti hinahayaan niyang umusad at ipagpatuloy ang buhay kahit ang totoo ay gusto niya ng makasama ito.

At may nagbago.

May naging dahilan para magkaroon ng bagong simula ang buhay niya.

Alam niya sa sariling may parte ng puso niyang naka-okupa sa dalaga, pero alam niyang may higit na dumating at nagkaroon muli ng isang espasyo hindi lang sa puso pati sa buhay niya.

     "At matapos kong ibigay sa 'yo ang kalayaan at hustisya para sa 'yo, pwede na, Sandra. Pwede ka ng tuluyang mamahinga." Napangiti siya.

Alam niyang hindi niya pa rin napapatahimik ang kaluluwa nito dahil sa nangyari pero desidido na siyang ibigay rito ang kapayaan at kahimikan nito.

     "Makukulong na siya, Sandra, at ako mismo ang magdadala sa dapat niyang kalalagyan."

Kinuyom niya ang panga at mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata.

Kumpirmado.

Si Mr. Ventura ang pumatay sa fiancé niya dala na rin ng report na binigay sa kanya ni Nicco. Matagal niya ng pina-iimbestiga ang lalaki dahil malakas ang kutob niyang ito lang naman ang may kinalaman ng pagkamatay ng babaeng pinakamamahal niya.

Lahat ng may kaugnayan dito, personal at sa negosyo ay kinalkal nilang dalawa ni Nicco. At ngayon ngang susunod na linggo ay magkakaroon sila entrapment operation sa isa sa illegal na negosyo nito kung saan may asset silang makikipagkita rito.

At sa araw na ring iyon ay naroroon si Mr. Ventura sa tulong ng anak nitong si Darren. Si Darren ang nakaalam na pupunta roon ang ama niya sa underground casino nito at ang pagbebenta ng illegal na gamot. Ang alam ni Mr. Ventura ay malaking tao ang magiging kausap nito dahil sa binigay nilang impormasyon na galing mismo kay Darren. Hindi nga lang lininaw ni Darren kung paano at kung ito nga ba ang gumawa ng fake identity at information sa asset nila.

Hindi pa rin buo ang tiwala niya sa kaisa-isang anak na lalaki nito kahit sinabi at lininaw na ni Nicco na wala itong kinalaman sa lahat ng illegal na gawain ng ama nito. Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw sa kanya kung totoo nga bang may anak ito sa labas at maaring maging kasabwat nito. Walang binanggit sa kanya si Nicco.

Mas gusto niyang bigyan din ng hustisya si Avyanna at ang kaibigan nito dahil ito rin pala ang may dahilan kung bakit hindi nakapunta si Rey.

For Avyanna too.

He will haunt him.


***

KASAMA ang mga NBI agents ang mga kapulisan sa gagawing raid sa headquarters sa underground casino ni Mr. Ventura. Nakapasok na ang kanilang asset at nagkakaroon na ng negotiations sa loob. Sinenyasan ni Kier ang mga kasama para umpisahan na ang pagpasok sa enstablisyemento.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now