Chapter Thirty-Two

13 0 0
                                    

     "Avyanna? Kier?"

Nabaling ang atensyon ni Avyanna sa papalapit na kaibigan. Nagtataka siyang binalingan nito habang si Nicco ay hindi na nagulat ng makita siya. Eliana blink twice while looking at the two of them. Wala siyang binanggit tungkol kay Kier, maging larawan nito ay wala siyang pinakita. It's always her mother and bandmates only. She also deactivate her social media accounts before.

Si Kier naman ay hindi inaalis ang pagtitig sa kanya na siyang ikinailang niya. He is looking with longing in his eyes. Umismid siyang palihim. Maybe he is guilty?

Nasa bewang ni Eliana ang braso ni Nicco na sumusuporta sa nobya habang papalapit na sa kanila.

    "Anong mayroon? Magkakilala ba kayo?" Nagpapalit-palit pa ang mga tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Kier. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Eliana at may mapanuri na tingin sa kanya.

She rolled her eyes and saw how Kier smirk.

    "Hindi," pagsisinungaling niya.

Nagulat siya ng tumango lamang si Kier. Ibang-iba sa nakasanayan niya noon na kukuyom ang kamao o mag-iigting ang panga kung hindi magugustuhan ang sagot ng kausap.

Tahimik lamang na nakikinig at nakatingin sa kanya si Nicco. Hindi niya alam kung magtataka ba siya kung bakit wala man lang rito na makita siya. Unlike Kier. Hindi na rin siya mag-aaksaya pang mahulaan kung ito ba ang boyfriend ng kaibigan niya. It's obvious, very obvious. Hindi niya lang alam kung paano nagkatauluyan ang dalawa. Sa pagkakaalala niya, Nicco love someone else.

      "I know her," malalim at paos na sambit ni Kier habang nakatingin sa kanya.

She lick her lips trying to remove the uncomfortable feelings. Pansin niyang mas lumaki ang katawan nito at lumapad ang balikat. He have now more dominance and alpha man. Kier in his white long sleeve and black trouser. Nakabukas pa ang dalawang butones nito may shades pa na nakasabit. Nagpadagdag ang balbas nito sa panga sa nagdagdag ng malakas na appeal nito. Noong una nga ay hindi niya napansin ang kaharap dahil sa pisikal na pagbabago nito.

Nanlaki ang mga mata ni Eliana at mapanuring tumingin sa kanya. She smirk inwardly. Minalditahan niya ito gamit ang harapang pagtataray.

Bakit kailangan pa nitong aminin? Mas mabuting magkunwari na lamang itong hindi siya kilala. Natatandaan niya pa ang mga binitawan nitong mga salita at pangako. His words and promises makes her heart ache everytime she remembers their memories.

Tumikhim si Nicco at magsasalita na sana ngunit mas mabuting unahan niya na.

     "I'm sorry, mister, pero hindi kita kilala." Tumingin siya kay Eliana. "Excuse me."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kaibigan. Let Nicco handle her. Bahala na kung magkwento ito sa kaibigan niya. She hates bringing up the past. Wala na rin namang saysay pa.

Pumunta siya ng comfort room mabuti na lang walang tao. Naghilamos siya para mahimasmasan naman siya sa nakita at nalaman ngayong araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagkita na sila ngayon ni Kier.

Hindi niya ito inaasahan!

Hindi niya aakalaing magkikita pa sila ng binata lalo na ng ganito kabilis. Sa lahat ng tao na may ugnayan sa kanya at kay Eliana sina Kier at Nicco pa? She's not bitter but she's not happy to know it.

Lumabas na siya matapos mag-retouch ngunit laking gulat niya dahil nasa labas si Kier!

Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip at ng makita siya ay lumapit ito sa kanya na ikinaatras niya ngunit maagap ito at mabilis siyang tinulak sa pader. Magkalapit ang kanilang mga mukha at kitang-kita niya kung paano tumaas-baba ang adams apple nito. Ang dalawang matipunong kamay nito ay nakahawak sa magkabilang pader. Making her trap in his arms and body.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now