Chapter Fourteen

9 0 0
                                    

ALAS-ONSE na rin ng gabi ng makarating si Avyanna sa gate ng bahay nila. Halos ayaw pa ngang magsipag-uwi ng mga kabanda niya at gusto pang sulitin hanggang mag-alas-dose mabuti na lang at napapilit niya ang mga ito at in-aliby niyang kailangan pa nilang asikasuhin ang nalalapit na contest na sinalihan nila.

Mabagal niyang pinaandar ang kanyang scooter ng maaninag ang may-ari ng motor at ang lalaking nakasandal dito at nakayuko. Pamilyar ang motor at ang may-ari ngunit hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Magiging masaya ba siya dahil dumating ito? O maiinis?

Nang pinagmasdan niya ito ay hindi niya alam kung tulog na ba ito o hindi. Naramdaman naman siya nito kaya nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. Halata ang pagod at pagka-puyat sa mga mata nito ngunit sa kabila nito ay nagawa pa nitong ngumiti ng maliit sa kanya. Pansin niya rin na isang itim na polo shirt at pantaloon ang suot nito. Simple pero dominante ang dating sa dalaga.

     "Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah. Imposible namang may naiwan pa ako sa 'yo." Ayaw mang magtunong suplada at sarkastiko ni Avyanna ay iyon ang nangyari.

Ginulo ni Kier ang buhok at tumingin sa pambisig na relo at muli sa kanya.

     "Masyado ka yatang naging masaya ngayong gabi na nakalimutan mo na ang oras." Masungit ang pagtugon nito sa kanya.

Kinibit-balikat lang ito ni Avyanna at muling pinaandar ang scooter.

     "Ganoon talaga. Alangan naman maging malungkot ako ngayong araw. Edi susulitin ko na."

Nag-angat siya ng tingin ng hinarang ni Kier ang sarili. Masyadong na-okupa ng matipunong katawan ni Kier ang kanyang daan. Masyadong malapit rin ito sa kanya dahilan para maamoy niya ang mabangong panlalaking amoy nito.

     "Bakit ka ba humaharang? Umuwi ka na nga!" inis niyang sambit dito pero hindi naman nakikinig si Kier.

Umigiting pa ang panga nito at magkadikit na ang mga kilay. Hindi naman nagpatinag si Avyanna at tinaasan niya ito ng kilay.

Hindi rin nagtagal ay bumuga ng hangin si Kier at umatras. Nagpatuloy na si Avyanna sa paglalakad ng biglang nagsalita si Kier dahilan para huminto siya.

     "I'm sorry."

Binalingan niya ito. Ngunit parang mali naman na nilingon niya pa ito dahil ng magtama ang kanilang mga mata ay siyang pagbilis ng tibok ng dibdib niya. Isang bagong pakiramdam na kay Kier niya lang naramdan. His eyes filled with emotions she can't guess.

Tinawid ni Kier ang distansya sa kanilang dalawa dahilan para higpitan ni Avyanna ang pagkapit sa kanyang scooter. Lihim na nagbuga ng hangin sa dibdib si Avyanna na may kaunti pang espasyo sa pagitan nilang dalawa.

Kier gently smiled at her.

     "Happy Birthday, Avyanna."

Natigilan si Avyanna at hindi kaagad nakapagsalita. Paano? Paano nitong nalaman ang kaarawan niya?

Mahinang natawa si Kier at naaliw na pinagmasdan siya. Natauhan si Avyanna kaya tumikhim ito. Tinaasan niya ito ng kilay habang nakahalukipkip.

     "Thank you. Sige na, umuwi ka na. Gabi na. Atsaka for the effort mo naman, pwede mo naman akong i-text."

Ayaw niya ng alamin pa kung saan nito nalaman. Baka isipin pa nito na masyado siyang interesado. Iniisip niya na lang na baka nahanap nito ang Facebook niya. Hindi kasi sila friend sa Facebook pero minsan niya ng sinearch ang account nito. Masyadong private. Wala siyang nakitang public posts at photos nito. Ang profile picture pa nito ay ang likod naka-sideview pa habang may suot na shades. Nakaupo ito sa matatayog na bato.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon