Chapter Eighteen

12 1 0
                                    

ARAW ng pagkamatay ng ina ni Avyanna kaya ngayong araw ay binisita niya ito. Mabuti na lamang at may araw sa oras na pumunta siya dahil nakalimutan niya pang magdala ng payong kaya hindi niya alintana ang pag-upo niya sa mga damo sa puntod nito.

Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa lapida nito. May kaunting kirot pa rin kahit tatlong taon na rin simula ng namatay ito. At sa tatlong taon ay hindi na nga naging kapareha ang naging buhay niya.

     "How I wish you're still here, Mommy." Pinunasan niya ang luha sa mga mata. "Baka hindi ako malapitan ni Mr. Ventura. Siguro dapat hindi na ako umasa mula pa noon na matatanggap niya."

Malungkot siyang natawa.

     "Alam kong dapat masanay na ako na kahit kailan isang pagkakamali lang ako sa buhay niya. Ang pagkakamaling hindi niya kailanman matanggap. Pero 'My, bakit naman gano'n? Bakit kung kailan may nakilala akong tao na palagi kong nakakasama at nagpapangiti kahit sobrang sungit ay kailangan ko pang iwasan dahil lang sa kagustuhan niya?"

Nakukwento niya noon pa ang tungkol kay Kier, simula nang maligtas siya nito at naging sunod-sunod na ang pagkikita nila. Her real father threaten and warned her about Kier. Pumunta ito ngayong araw sa bahay niya kaya nagkasagutan na naman sila. Gusto nitong lumayo siya sa binata na bagay na hindi niya kayang gawin.

     "Natatakot ako, mommy, na kung sakaling mabanggit ko kay Kier si Mr. Ventura ay masasaktan lang ako sa marinig. Wala kung sinuman ang nagpaintindi sa akin kung ano ang ugnayan nilang dalawa or even ni Kuya Darren."

She let burst out her frustration to her late mother. Noong nabubuhay pa ito ay ganito na ang ginagawa niya. At kahit namatay na ito, wala pa ring nagbabago. Sa kanyang ina pa rin siya tumatakbo sa t'wing gusto niya ng makausap at malabasan ng hinanakit sa puso. All the secrets about her, from her mother, it's all real. Walang kailangang itago, walang kailangang pagsinungalingan.

     "Hindi ko na po alam, Mommy. Naguguluhan na po ako."

Sinapo niya ang palad sa kanyang mukha at napahilamos na lang.

May parteng ayaw niyang layuan si Kier. Ayaw niya. Pero iyon ba ang dapat niyang gawin para pigilan ang umuusbong nararamdaman para rito?

     "Ayokong sundin si Mr. Ventura. Pero natatakot ako na kung tumagal pa ang paglalapit ni Boss Chief sa akin, baka ako naman ang hindi makawala."

Alam niya naman kung saan siya lulugar sa buhay ng binata. He only treat her as his little sister. Pero siya?

Nagtagal muna siya ng dalawang oras sa pagbisita ng ina bago tuluyang umalis.

Nasorpresa siya ng makita si Kier sa labas ng sementeryo. Nakayuko ito habang nakasandal sa motor nito.

Napangiti siya ng mapait. Nakita niya na ang eksena nito noon- eksaktong kaarawan niya. Pero ngayon? Dahil ba sa kanya? Piniling niya ang ulo. Alam niya namang hindi sa kanya dahil naalala niyang nakalibing din sa lugar na ito ang namatay na mapapangasawa nito.

Nag-angat ng tingin si Kier sa kanya. Hindi na nagulat na nasa harap na siya. Kinompose niya ang sarili at ang ngiti sa labi niya.

     "Boss Chief, ikaw pala!"

Tumango sa kanya si Kier bago tumuwid ng tayo. Nakahalukipkip na ito kaya mas naging halata ang biceps nito.

     "Binisita mo siya?"

Tumango muli si Kier. Napalabi siya. Ang tipid talaga nitong sumagot!

     "Ah sige, mauuna na ako sa 'yo."

Hindi na niya hihintayin pa ang sasabihin ni Kier dahil alam niya namang wala na itong sasabihin. Ngunit napatigil siya ng bigla itong magsalita.

Mariin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tinaasan lang ito ng kilay ni Avyanna.

Chasing Secrets (Dela Cruz Series #3)Where stories live. Discover now